Pagka bukas ni Uncle Noy ng bote ng alak ay umupo na sila ni Arina upang umpisahan na ang kanilang inuman. " Mauna na po kayo uminom at susundan ko na lang po" Nakangiting sabi ni Arina at nag salin ng alak si Uncle Noy sa babasagin na baso. " Ladies first dapat kaya mauna kana" Katwiran pa ni Uncle Noy at napangiwi lamang si Arina at kinuha nito ang inumin. Walang pag aalin-langan na nakipag inuman si Arina Kay Uncle Noy at tumagal na ng Isang Oras ang inuman nilang dalawa at mababakas sa mukha ng dalaga na lasing na ito. " Teka nga, umiinom po ba kayo? bakit parang ako lang ang nalalasing dito, dinadaya n'yo ako no?" Papungay-pungay pa ng mata si Arina habang sinasabi n'ya iyon dahil malakas na ang tama ng alak sa kanya. " Anong dinadaya? umiinom kaya ako, ano kaya mo pa ba?" Nakang

