Naka upo lamang si Uncle Noy sa ibaba ng kanyang sofa at iniinom nito ang hawak n'yang beer habang umiiyak. " Ano nangyayari dito? Noy wala kaba gagawin ngayon para maisalba ang kompanya mo?" Galit na tanong ni Olivia ng maabutan nito si Uncle Noy na umiinom at bagsak ang katawan. " Bakit ka nandito? umalis kana dahil isusuko ko na ang kompanya na iyon, ano pa gagawin ko doon?" Seryosong pagkakasabi ni Uncle Noy at hindi iyon inaasahan ni Olivia. " Nahihibang kana ba? Noy, saksi ako kung paano mo itinayo ang empire corporation kaya bakit ganoon mo nalang ito kadali isuko?" Hindi makapaniwalang sabi ni Olivia. " Nawawala si Arina, ay mali, iniwan n'ya Pala ako. wala na si Arina kaya bakit ko pa iisipin ang kompanya?" Naiiyak na sabi ni Uncle Noy at tila nag mistulang bata ito sa pag iya

