Habang binabalik ni Uncle Noy ang mga damit ni Arina sa closet at kinuha din ito ulit ni Arina kaya nakaramdam ng inis si Uncle Noy. " Hayaan nyo na po ako umalis" Pagmamatigas pa ni Arina at kinuha na nito ang maleta. " Gusto mo ba talaga umalis? Yan ba talaga ang gusto mo?" Galit na tanong ni Uncle Noy. " Opo! Gusto ko na po talaga umalis kaya hayaan nyo na po ako." Sagot ni Arina at pinaglalagay n'ya na ang kanyang mga damit sa maleta. " Sige bahala kana, Malaki ka naman na" Saad ni Uncle Noy at dahil sa inis ni Arina, pinanindigan talaga nito ang kanyang pag alis. " Akala n'yo hindi ko kakayanin mabuhay na wala kayo, ipapakita ko sainyo na kaya Kong tumayo sa sarili Kong mga paa" Determinadong pagkakasabi ni Arina at tuloyan na itong umalis sa bahay ng kanyang Uncle Noy. Hinayaan

