Naiwan si Arina sa room nila sa hotel at bawat oras ay kanyang binibintayan. Ilang Oras na Kasi nakakalipas ngunit wala parin si Uncle Noy. " Naboboring na ako, bakit wala parin s'ya?" Nalulungkot na sabi ni Arina at bumangon s'ya upang lumabas sa room nila ni Uncle Noy. Naglakad-lakad muna ang dalaga sa labas ng hotel hanggang sa makarating s'ya sa rooftop. Samantala si Uncle Noy ay nasa pakikipag usap parin sa kanyang mga business partner. " Ano kaya ginagawa n'ya ngayon? sana naman hindi s'ya lumabas" Dalangin pa ni Uncle Noy at napalingon sya sa Kanyang likuran. Napatayo si Uncle Noy sa kanyang pagkaka upo dahil tila may nakita itong Isang babae na may pagkaka hawig sa kanyang yumaong asawa. " Mr Noy, saan ka pupunta?" Tanong ng Isang ka business partner ni Uncle Noy. " Isabel.

