“Ehem! Excuse me”, mula sa likuran ni Danielle ay biglang nagbut-in si Wolverine. Kumunot ang noo ng team leader na bumaling dito ngunit agad nagbow ng makilala ito. “Se…ser! Magandang umaga ho”, bigla ay tila naging maamong tupa ang kaninay tigre nilang team leader. “Magandang umaga, nakalimutan kong sabihin kahapon. Itong si Danielle Marasigan, lilipat na sa aking upisina”, mahinahong pahayag niya sa team leader ng utility. Naiintindihan naman niya ang point nito dahil bigla ay nawala nga ang isa niyang miyembro sa gitna ng trabaho. Halatang nagulat iyon, napatingin pa kay Danielle at nagbow din lang ang dalaga dito. “Ganon ba sir? Sorry sir, hindi ko po alam, pasensiya po sa abala”, paghingi nito ng dispensiya at ngumiti si Wolverine dito. “No worries, I appreciate your dedication t

