“Danielle, where are you going? Come here!”, tawag ni Wolverine sa kanya kung kayat napatigil siya sa paghakabang kasabay ng pagpikit ng mata. Kung pwede lang mag-invisible siya dahil sigurado siyang hindi magugustuhan ng kanyang daddy ang pagiging driver niya. Janitor ang gusto nitong ipagawa sa kanya, bakit kasi pumayag siyang maging driver ng CEO? “Sir!”, saad niya habang pinilit ikompos ang sarili. Bahala na si Batman kung pagagalitan siya ng kanyang ama. “Dito ka!”, utos ni Wolverine sa dalaga. Tumalima naman si Danielle habang iniwasang mapatigin ito sa mata ng kanyang ama. “It’s almost lunch time, dito na tayo kumain”, turan ng kanyang boss kung kayat bahagyang tumango siya dito sabay upo sa tabi ng binata. “By the way, uncle, this is Danielle, my personal driver”, pagpapakilala

