Isa isang binati ng mga kaibigan ni Wolverine si Danielle ng makabalik sila sa kinaroroonan ng mga ito. Sa firing group na kinabibilangan nila ay si Melissa ang may hawak ng korona para sa mga kababaihan ngunit hindi sila makapaniwala na may mas magaling pa dito. “You look familiar, did we meet before?’, turan ni Philip; isa sa mga kaibigan ni Wolverine na mahilig din sa napakaraming sports. Napatigil ang dalaga habang kinapa sa isip kung nagkita na nga sila ng lalaki. “I don’t think so?”, saad niya habang nagloload ang kanyang memorya. “In the racetrack!”, medyo napalakas ang boses ni Philip kung kayat naagaw din ang mga attention ng mga kasama nila. “Sandoval? Sandoval…ikaw nga!”, turan nito habang ipinitik pitik ang mga daliri. Nakimkim ni Danielle ang kanyang mga labi pagkarinig

