Chapter FIVE
YANNA POV
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Kapa, hanap, asan ba iyon?? Hindi ko makita. Wait sa sofa na pala ako nakatulog. Ang sakit ng ulo ko ng dahil sa pag iyak. Wala na yata akong gagawin kundi ang umiyak. Naalala ko ang nangyari kagabi, tama tapos na kami ni Sean. Iniwan na niya ako.
Nagulat ako sa pagtunog ng telepono ko dito sa condo, tumayo ako at sinagot.
" Hello. " sagot ko.
"Ate, can we talk? "
"Yna?" tanong ko.
"Yes, ate ako ito. Pwede ba kita puntahan sa condo mo mamaya? after lunch?" tanong niya.
"Ok, hihintayin kita dito."
"Bye, ate. "
"Bye, Yna. "
Tutal late na ako sa school hindi na ako papasok. Itetext ko na lang si Gaby na may emergency akong gagawin para siya na mag explain na hindi ako makakapasok.
——————————————————————-
YNA POV
I can't believe it, pumayag si ate sa kalokohan na iyon. I don't know what to think anymore, I felt guilty kahit hindi ko naman talaga sinabi kina mama na gawin at hilingin ang bagay na iyon.
Si ate Yanna, alam ko malaki ang INSECURITIES niya sa sarili niya na ang dahilan ay AKO. Hindi ko naman sinasadya na masaktan siya sa tuwing may comparison sa aming dalawa lalo na at kadalasan sa mismong parents pa namin nanggagaling.
I admit I love all the attention I get from other people pero sa tuwing nakikita ko si ate na nasasaktan. I feel ashamed of my self.
I love her very much, kahit minsan hindi ko naipaparamdam sa kanya. She's the sweetest person na pwede mong makilala. Loving to the point na wala na siyang ititira para sa sarili niya. That's why Sean Buenavista love her, that's why I envy her because I love Sean too.
flashback————————————
"Yna, I'm glad your home." salubong sa akin ni mama. " We need to talk." sabi niya habang ginigiya niya ako papuntang study ni papa. Nang makapasok kami doon, umupo ako sa sofa doon.
" Your getting married. " sabi ni mama, napatingin ako sa kanya. " to Sean." dugtong niya.
"Wait, did I heard it right, Mama? I'm getting married with Sean?" napatayo ako sa gulat.
" Yes, anak. It 's true your finally getting married. I'm so happy for you anak!!" sabay lapit at yakap sa akin ni mama.
"Ma, are you out of your mind!!!! Paano si ate Yanna? paano sila ni Sean?? Hindi ko maintindihan, ang alam ko sila ang dapat magpapakasal di ba?? " tanong ko kay mama ng bumitaw siya sa pagkakayakap.
"I'll explain this. Hiniling ko sa kapatid mo na makipaghiwalay muna kay Sean para makasama mo siya kahit sandali. I know you love Sean too don't you dare deny it because I know. Pumayag ang ate mo kaya———————————-
Hindi ko na pinatapos si mama..
"What did you do mama?? Hiniling mo kay ate na hiwalayan niya si Sean para sa akin. Para sa akin na naman. What do you think of me?!!! masyado na ba akong desperada sa paningin mo mama?? Naisip mo ba ang mararamdaman ni ate?? mararamdaman ko sa ginawa mo?? niyo ni papa?? How dare you to manipulate my sister feelings towards me!!! how dare you to hurt her!!! how dare you to make this decisions for me!!"
" You know she can't say no to you, to us." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nakakaramdam ako ng sobrang awa at galit para sa aking sarili, sa mga magulang ko at kay ate. Bakit siya pumayag? Uunahin na naman niya ako. Ana lang palagi. Ako na lang. Umiiyak na pala ako habang yakap yakap ni mama..
"Anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam ko pinangunahan na naman kita. Pero hindi ko kaya na mawawala ka dito sa mundo na hindi mo mararanasan ang mahalin ka o alagaan ka ng taong mahal na mahal mo. I know it's very selfish to ask this to your ate Yanna, but I want you to be happy, in your remaining days beside me, beside us. "
"Mama, alam mo bang mahal na mahal ni ate si Sean. Hindi ko kaya na kunin at agawin sa kanya ang lalaking buhay niya Mama!! Naiintindihan mo ba ako ? Hindi ko masisikmura na AKO ANG MASAYA PERO MAY NASASAKTAN AKO HINDI LANG BASTA IBANG TAO, KUNDI SARILI KONG KAPATID MAMA. Si ate iyon. Ayoko ng madagdagan ang hinanakit na nararamdaman niya sa akin. I know why she left the house. It' s because of me, of us. Lagi kasing AKO ang nauuna, hindi kayo patas magmahal mama. That's why ang layo layo na ng ate ko sa akin.There' s always a wall between us. Nilagay niya iyon sa pagitan natin!! nating lahat!! Hindi lang ako ang anak niyo Mama!! niyo ni Papa!! It's unfair, your unfair!! " I added. " And now this. This is f*****g great!! marrying Sean is not the answer to this. I can't Mama!! " at tumakbo na ako palabas ng study ni papa . Umakyat ako sa aking kwarto at doon nag iiyak..
end of flashback————————————