CHAPTER THIRTY FIVE KHAL POV Parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko kay JIGS kanina, Napakaganda niya... ng makita ko siyang dahan dahan na bumababa sa hagdan habang inaaalalayan siya ng mga kapatid niya. Halos hindi ko maaalis ang tingin ko sa kanya, alam kong napansin niya yun dahil nagsalubong ang mga mata namin, kaya lang umiwas siya agad, kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya... Pwede na ba akong mamamatay... hindi ko alam na ganito ang TAMA sa akin ng babaeng ito... halos hindi ako makahinga habang papalapit siya kahit hindi ako lumalapit sa kanya, nararamdaman ko pa rin yung kuryente na hindi ko maipaliwanag...Kung titingnan mo... napaka simple ng pagkakaayos niya pero... napaka elegante niyang tingnan.... halos matawa rin ako ng makita ko yung white chucks niya... ka

