CHAPTER THIRTY SEVEN PRINCESS POV Nang hawakan niya ang kamay ko at igiya niya ako sa dance floor para sumayaw, halos hindi ako mapakali sa sobrang kabang nararamdaman ko. Halos lumabas ang puso sa lakas ng t***k nito. Napansin kong kami pa lang ang tao, saktong sakto naman na tumugtog na yung banda. Pamilyar sa akin yung kinakanta ng vocalist.... "Fix You" When you try your best, but you don't succeed When you get what you want, but not what you need When you feel so tired, but you can't sleep Stuck in reverse Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay niya ito sa balikat niya. habang nakapulupot sa bewang ko ang mga braso niya, halos magkadikit na magkadikit kami, at kaunti lang pagitan ng mga mukha namin. Nakayuko siya sa akin dahil nga maliit lang ako.. at nakakaramdam ak

