EMMH
Prologue
"Alam mo 'te! Landi landi rin kapag may time ano?!" Sigaw sa akin ni Rickael
Napairap ako.
Wala sa sistema ko ang landi na sinasabi niya, busy ako sa lesson plans at pag aasikaso ng grades ng mga estudyante ko.
Wala akong panahon para diyan. Ni pag entertained ng mga manliligaw ay hindi ko ginagawa. Masyadong mahalaga ang oras ko para sa akin.
"Tatanda ka talagang dalaga Ramerie Aurellana! Tignan mo 'tong si Sisa dinaig ka pa may boylet!"
Tumingin sa amin si Sisa at hinawi ang buhok niya kahit panglalake naman ang gupit!
Umirap ako. 'Baklang malandi!'
"Sorry kahit wala akong kipay mas malakas ang charisma ng pekeng babae na'to."
Tumaas ang kilay ko at tinignan siya "Ulol." Mahina kong sabi dahil baka marinig ng mga co-worker ko.
"Psh! Broken na broken kay Rhem ha! Hindi maka – move on ghorL!?"
I glared at Rickael. Sinabayan pa ni Sisa.
"Mi, Move on okay? Dami nang liligaw sayo wala kang pinapatos ni isa?!"
Hindi ako sumagot abala sa mga chine-checkan. "Tsaka mi, remember marami nang nasisid 'yung si Rhem! Hahahaha!"
Rickael and Sisa laughed together, tumayo ako at sinabing mag rest room lang iniwan ko ang ginagawa ko ro'n.
Ayokong naririnig ang pangalan nung hayop na 'yon! Nagoyo ako ng seamanloloko!
"Hala si Ma'am Aurellana!"
"Gago! Nandiyan na si Ma'am!"
"Gunggong!"
"Class," Mahinahon na ani ko habang nakatayo sa platform at nakasandal ang baywang sa teachers table pinagkrus ang mga braso,.
"Okay class, we do not have a lesson for to-"
"Woaha!!"
"Uwian na!!!"
"Saya! Makakpag ML na ako!"
"Anong uwian na?" Nakunot ang noo ko
"Hindi pa ako tapos magsalita, We don't have lecture for today because you need to go in conference hall, It is connected in your career fest happening next month,"
"Anong gagawin doon ma'am?"
~
"Kukulit ng kyotalelet mo!" Bungad sa akin ni Sisa nang mauna akong pumasok sa conference hall,
Natawa ako, Lumabas ako at binalikan ang mga estudyante ko na nakahilera sa gilid,
"Class, start counting,"
"Okay we're 43 huh! Walang tatakas! Tanda ko lahat ng pumasok, kapag ako may nakitang wala ang isa sa inyo. Papalayasin ko kayo sa klase ko hanggang next sem!"
"Yes Ma'am!"
"Follow me,"
"Class 6, Dito kaya maupo, Sakupin niyo ang buong row na iyan,"
"Okay student's good afternoon, I know a lot of you was already bored but we'll start in a few minutes, I want you to enjoy your conference, because this is connected to you career fest"
Ani ni Ms. Maui faculty president.
"Class, quiet,"
"Again! Good Day learners! So, we're going to start your conference and to be more efficient and effective this event. We invited a guest to our event. This person was the product of our Alma mater and he was so passionate about his job right now and he said that "National Academy is the reason behind his success in life'"
Napatango tango ako sa sinabi ni Ma'am Maui.
"Are you excited to meet him?"
Students answered in unison,
"Alright! He is Mr. Mavie Rhem Dioquino,"
'What the f**k!? Rhem?! '
He was wearing a formal attire, Mas lalong pumuti ang balat at ang katulad noon naka clean cut ang buhok.
Pero hindi sa mga pagbabago na iyon natuon ang puso ko kundi sa sakit na unti unting bumabalik at nilalamon ang pagkatao ko,
Naramdaman kong natutubig ang aking mata hindi ko kaya siyang makita, hindi ko siya kayang tignan. Ayokong magpakita o magtagpo pa ang landas namin.
Gusto kong tumakbo palabas pero hindi pwede dahil may trabaho ako, Hindi pwede dahil kailangan kong umakto ng propessyonal. Hindi pwedeng magpakain ako sa sakit na nararamdaman ko kahit na paunti unti na naman niyang inuubos ang pagkatao ko!
Nang muling pag balik ko ng paningin ay nagtama ang paningin naming dalawa,
Ganoon na lang kalakas anng pagtibok ng puso ko dahil sa nyerbos at kaba walang ibang dahilan, Ngunit kaagad din nawala nang mabilis niyang binawi ang paningin at ngumiti sa ilan pang mga tao sa harapan,
At kahit gustuhin ko man na wag bumagsaka ng mga luha, hindi na kaya ng aking mga mata. Tuluyan na silang nagsipag agusan. Nag pa alam ako kay Sisa na lalabas muna ako at bantayan ang mga estudyante ko.
'Kailangan kong lumabas, Kailangan kong huminga, Kailangan na kailangan kong magpakatatag at wag magpatalo sa emosyon na nararamdaman ko ngayon kahit pa kinakain na nito ang buo kong pagkatao at paunti unti nang pumapasok sa sistema ko ang lahat ng nangyari,'
'Kaya ko'to, Kaya ko! Hindi ko na ulit hahayaan na masira ang buo kong pagkatao dahil naglaan ako ng taon,panahon at oras para maisalba at mabuo ko ang sarili ko'
~>~