Briana Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko mula sa bintana. At nang marahan kong iminulat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang gwapo at ang natutulog na mukha ni Zairus. Kumabog ang puso ko nang mabilis na bumalik sa isipan ko ang mainit na gabing pinagsaluhan namin. Nakadapa siya sa kama paharap sa akin. Habang ang isang braso niya ay nakadagan sa baywang ko. Kapwa kaming nakatakip ng puting malaking kumot. At nang silipin ko ang aking sarili ay nakumpirma ko nga talaga ang nangyari sa aming dalawa. Sapagkat kapwa kaming walang saplot. Dahil doon ay maingat kong inalis ang braso ni Zairus na nakadagan sa baywang ko. At marahan akong bumangon habang siya naman ay mahimbing na natutulog. Dinampot ko ang mga saplot ko na nasa sahig. At mabilis na isinuot ang night dres

