Briana "Gabi na ah, bakit wala pa ang asawa mo?" tanong sa akin ni Kuya Mark nang pumasok kami sa bahay. Ginabi kami sa pamamasyal at inihatid niya ako pauwi. Kaso, mukhang wala pa rin si Zairus sa bahay dahil patay ang mga ilaw at nakalock pa rin ang gate nang madatnan namin. "Pauwi na rin siguro iyon," tugon ko. "Let me stay here habang wala pa siya," ani kuya Mark. "Huwag na, Kuya. Okay lang ako," saad ko naman. "Gabi na at wala kang kasama sa bahay niyo," nag-aalala naman niyang sabi. Kaya mahal ko 'tong si Kuya eh. Napaka-sweet niya talaga kahit kailan. "Sanay naman akong mag-isa sa bahay, Kuya. You don't need to worry about me. Bago pa ako ikasala ay nakatira na talaga akong mag-isa rito," tugon ko habang nakangiti sa kanya. "Are you sure?" paninigurado niya sa akin. Tumango

