Briana "Anak, dito na kami ng daddy mo matutulog sa condo. Bukas na lang namin kukunin ang mga gamit namin dyan. Dito muna kami mag-stay ng daddy mo para naman hindi na rin kami nakaka-istorbo sa loving-loving niyong mag-asawa," sabi ni mommy mula sa kabilang linya. "Mommy," saway ko rito at tinawanan niya lamang ako. "Sige na, anak. Pakisabi kay Zairus galingan niya ngayong gabi huh," bilin niya pa at napailing na lamang ako nang patayin ko ang tawag. Pagkatapos ay muli kong tinawagan si Zairus pero hindi pa rin ito sumasagot. Itinext ko rin siya pero wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala para sa kanya. Binalik-balikan ko ang huling palitan namin ng mensahe sa messenger. 5:10 nang huli siyang mag-seen sa chat ko sa kanya. Pagkat

