Zairus "Sinong dumating?" tanong ni Briana na biglang sumulpot sa likuran ko. "Magandang araw," nakangiting bati ni Lory kay Briana. "Oh, ikaw pala, Lory. Napadaan ka?" tanong ni Briana. "Sumadya talaga ako rito," tugon niya habang nakatingin sa akin. "Ganoon ba," ani Briana na para bang may pag-aalinlangan sa kanyang boses. "Ang mabuti pa ay kukuha ako ng maiinom. Pumasok ka na muna," yaya ni Briana kay Lory saka nagpunta sa kusina. Nagbigay daan ako para makapasok si Lory. Bumungad sa kanya ang wedding picture namin ni Briana. Lumapit siya rito saka malungkot na pinagmasdan ito. "Akalain mo iyon, ako ang nag-eexpect na unang magkakaroon niyan sa atin," mapait na wika niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Dinadalaw ka," balin niya sa akin. "Hindi ka nagre-reply sa mga messa

