Briana Kapwa wala kaming imik ni Zairus habang nasa byahe kami. Nakatanaw lang ako sa labas ng windshield ng sasakyan niya, habang siya naman ay tahimik na nagmamaneho. "May... nangyari ba?" basag niya sa katahimikan namin. "Hindi na ako nakapagpaalam ng ayos sa kanila kanina, pakisabi na lang na sumama ang pakiramdam ko," saad ko na hindi sinasagot ang tanong niya. "Briana," tawag niya pa sa pangalan ko. "Sa highway mo na lang ako ibaba." "'Yong kanina nga pala, uhm... nakita ko kasi si Manuel, so uhm... sorry." Agad ko siyang nilingon. "Okay ka lang ba?" takang tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa last word na sinabi niya. "Ano?" "Nag-sorry ka." "Anong tingin mo sa akin? Hindi alam ang salitang sorry?" masungit na sabi niya. Napangiti ako. Sa dami ng kalokohan at kabwisitan na

