Briana Hihikab-hikab akong nag-unat sa kama. Mahigpit kong niyakap ang unan sa tabi ko saka ko marahan na iminulat ang mga mata ko. Ang himbing at ang sarap ng tulog ko. Bumangon ako at agad kong iginala ang mga mata ko sa kapaligiran. Wala ako sa kwarto ko. Oo nga pala at hindi na ako nakauwi kaninang madaling araw. Tiningnan ko ang katabing espasyo ko sa kama. Saan kaya siya natulog? Umuwi na kaya siya? Tama bang iwanan na lang niya ako pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Nag-ayos ako ng sarili ko at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Nagtungo ako sa sala at nakarinig naman ako ng mga boses na nag-uusap doon. "What?! Magkasama kayo kagabi sa iisang kwarto ni Manuel?" "Yes." "So ano?" "Anong ano?" "What happened?" "Huh?" Mula sa sala ay naririnig ko ang usapan nila Rica at

