Mark "I don't need this job. But I actually came here—just for you. Hindi ko alam but at some point kasi, nakikita ko ang sarili ko sa'yo. And I want to survive, kaya gusto kong mapalapit sa'yo. Gusto kong lumaban sa sakit kagaya mo." Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabing iyon sa akin ni Ella noong huli kaming magkausap. Inaamin ko, hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya. Kaya naman, nagi-guilty ako ngayon dahil pakiramdam ko, dinagdagan ko 'yong sakit na nararamdaman niya. "Seriously, where are you going?" tanong sa akin ni Briana habang palakad-lakad siya sa kwarto ko na animo'y may iniinspeksyon. Kanina pa siya dumating dito sa condo ko para bumisita at mangulit. Sakto naman na naabutan niya akong nag-aayos ng mga gamit ko. Maingat kong inilagay ang mga

