Dinala ko si Zion sa isang malapit na karendirya. Ayaw niyang sumama sa amin. Hindi naman pwedeng umalis na lang ako knowing na hindi siya kakain ng lunch. May konsensya naman ako noh. "Di po ba kayo kakain?" tanong niya habang nilalantakan yung binili kong ulam at kanin para sa kanya. I smiled. "Kakakain ko lang." "Pero di pa po kay--" hindi natapos ni Camille ang sasabihin ng ipasak ko sa bibig niya yung saging. "How old are you, Zion?" I asked. "Seven po. Pero magwawalo na ako sa August." Napatango-tango ako. Binilang ko ang gap ng edad namin. 17 to 18. Inalis ko sa isip ko yun. Impossible. Tingin niyo talaga kakalimutan ko yung sarili kong...-- Basta! I should stop imagining things. I'm just

