Finally, Grand Ball na. Everyone in AbTV was so excited. To be honest, excited rin ako. Siguro dahil for the first time may makakasama ako sa party, at hindi lang si Gina at ang PA ko. "You look so beautiful." ani Allen ng lumabas ako ng kwarto. Hindi niya matanggal ang tingin niya sa akin. He kissed me ng makalapit ako sa kanya. Sabay kaming pupunta sa party, of course, since siya yung escort ko. "Let's go? Baka ma-late tayo sa party." anang si Gina pagkuway. Inalalayan ako ni Allen sa paglalakad hanggang sa sasakyan. Madaming bodyguards na nakabantay sa paligid. Wala akong pakialam actually sa kung sino ang nakatingin sa amin. Naka-focus lang ang mga mata ko kay Allen. I feel like I'm in fairytale right now. Para akong nasa cloud nine dahil sa nararamdaman kong saya ngayon. Kahit nu

