Ding’s POV
“Ding… Dong…” Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi ko marinig ang tunog ng door bell. Gusto ko pang matulog. Late na akong nakauwi kagabi at napuyat pa ako sa nagdaang magdamag.
Wala akong inaasahang bisita at wala rin akong intensyon na alamin kung sino iyon.
“Bernard, please make it stop. Inaantok pa ako.” Sabi ng katabi kong babae. Yumakap siya sa bewang ko at ipinatong pa ang mukha sa dibdib ko.
“Mapapagod din yun.” I said before caressing her arms.
Kahit medyo inaantok pa ako, nawala iyon nang maramdaman ko ang hubad niyang katawan ay unti-unting nagising ang ‘diwa’ ko.
Pero sadyang makulit kung sino man ang pumipindot ng door bell, sunod-sunod at tuloy-tuloy pa rin ang pambubulabog.
“Bernard…” She whispered my name.
“Hold that thought.” Napilitan akong bumangon. “Stay in bed, I’ll be back.” Bilin ko habang nagsusuot ng shorts.
“Hurry up lover boy!” Mapang-akit na bilin sabi niya sa akin
She didn’t need to remind me. Talagang wala akong balak na paghintayin siya ng matagal dahil kahit ako ay hindi makapaghintay na muling bumalik sa tabi niya
Lumabas ako ng kwarto at patakbong bumababa ng hagdan. Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng bottled water sa loob ng ref. Inubos ko muna ang lamang tubig sa plastic bottle bago humakbang pumunta sa front door.
“Oo sandali!” Naririnding ako sa tunog ng doorbell.
Dapat ay urgent ang dahilan ng taong nasa labas.
I opened the door. When I saw whose outside, I wanted to close it again.
“Good morning Sunshine! You sleep like a baby, ang tagal mong magising.”
Walang sabi-sabi na pumasok siya sa bahay ko kahit hindi ko naman iniimbitahan. Komportablenng umupo sa sofa at itinaas pa ang paa.
“Everything looks the same.” Sabi niya habang inililibot ang tingin sa buong paligid. “I’m glad hindi mo binago ang ginawa kong pag-aayos dito sa living room mo.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“What are you doing here?” Tanong ko.
“I’d pretend that I didn’t hear you say that because I know that what you really want to say is, you’re glad I’m finally here.” Sabi niya sabay kindat sa akin.
I am speechless.
It’s like déjà vu.
Ang makita siyang nakaupo at nakangiti sa akin ay parang isang pagbabalik tanaw. Nangyari na ito noon. Hinayaan ko din siya pumasok sa bahay… sa buhay ko.
2006
“What are you doing here?” Gulat na tanong ko. Mabilis na nagtago ako sa likod ng pinto para takpan ang hubad kong katawan.
“Good morning Sunshine!” Nakangiting itinaas niya ang food tray na hawak. “I made you breakfast!”
Walang sabi-sabing pumasok siya sa loob ng kwarto ko. She walked in as if she owned the room and headed straight to my bed. She sat and put the food tray on her lap. Ibinuka ko ng malaki ang pinto para muli kong magamit pantakip sa katawan ko.
How could I allow her to enter my room with me wearing nothing?
“Ding bakit andyan ka sa likod ng pinto?” Nakangiti maging ang asul na mga mata niya. “Hindi naman ako nangangagat eh.”
“Romina, I don’t eat breakfast in bed. Ibaba mo na ‘yan. Sa baba na lang tayo kumain.” Utos ko.
“Well, there’s always the first time.” Inalis niya sa kandugan ang tray na kalong at ipinatong iyon sa kama ko. Tumayo siya at humakbang palapit sa akin.
“Sandali. Huwag kang lumapit sa---” Pigil ko sa kanya.
Sumunod naman siya at huminto sa paghakbang. “Why do you keep on avoiding me?” Nakasimangot na sabi niya. “Is it because of the kiss that we shared?”
Napailing na lang ako. “Romina not now. Lumabas ka muna ng kwarto ko at hintayin mo ako sa ibaba. Doon tayo mag-usap.”
“No!” Pagmamatigas niya. “Kung may gusto kang sabihin sa akin ngayon, tell it to me now!” She firmly said.
“Okay!” Napahawak ako sa noo ko. “Gusto mong malaman---“
“Sabihin mo sa akin dito, sa harap ko. Hindi ‘yang nagtatago ka sa likod ng pinto as if I’m going to bite you.” Demand pa niya sa akin.
“I have my reasons why I’m standing here right now and it has nothing to do with you. Now listen to me because I won’t say it again.”
“No!” Tinakpan niya ang dalawang tengga. “I won’t listen to you unless you stand here in front of me.”
“Romina, huwag mo akong paandaran ng pagmamaktol mo!” Nagsimula na akong mainis sa kakulitan niya.
“La-la-la-la.” She chanted. “I cannot hear you! La-la-la-la.” She continued chanting.
“Fine! Throw me a towel or get me anything to cover myself.”
“What?” Napataas ang kanang kilay ni Romina.
“Romina I am naked for Pete’s sake. Stop stalling and give me what I need.”
“You are naked?”Nanlaki ang mga mata niya at namula ang mga pisngi.
“Romina!” Nagbabanta ang tinging ipinukol ko sa kanya.
She bit her lower lip to suppress a naughty smile. “Are you telling me all along you have no clothes on? As in nothing?”
“I don’t like that smile of yours. Kung ano man ang naiisip mong kalokohan, itigil mo ‘yan.”
“Bakit ano sa tingin mo ang naiisip kong gawin?” She said while slowly walking towards me. “I won’t take a peek promise. Ako lang ang lalapit sa iyo kasi nakahubad ka diba?”
“Romina. Stop playing games. Lumabas ka na ngayon din at para makapagbihis ako.”
“Ding, huwag ka ng mahiya pa sa akin, makikita ko rin naman ‘yan in not so near future.” Nakangiting sabi pa niya. “But now promise I won’t take a peek, gusto ko lang na malaman kung ano na ang estado ng relasyon natin.”
“ What are you saying? Wala tayong relasyon. You’re feelings for me is wrong. Napakabata mo pa at mas matanda pa ako sa Kuya Mark mo.”
“Stop mentioning our age difference I don’t mind if you’re nine years older than me and I know what I’m feeling for you were never been wrong. Mahal kaya kita matagal na.” She confessed to him. “
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pinto. Bakit kasi nasabi ko pa na nakahubad ako? Now she’s using it against me.
It felt like I’m trapped.
Tumigil siya sa mismong harap ko. Tanging pinto lang ang nakapagitan sa aming dalawa. Kumapit ako ng mahigpit roon.
“Hindi kita mahal.” Sabi ko ng walang paligoy-ligoy.
Being nice to her won’t do her any good. Mabuti pang saktan ko na siya ngayon pa lang kaysa patuloy siyang umasa sa wala.
Natulala si Romina at hindi nakapagsalita.
“Hindi rin kita gusto. Mabait ako sa iyo dahil kapatid ka ng kaibigan ko. Iyon lang ang dahilan. Nothing more, nothing less. Kaya itigil mo na ang kalokohan mong ito.” Dagdag ko.
“No! You’re lying!” Itinulak niya ang pintong hawak ko.
“Romina!” Hindi ko iyon inaasahan kaya bahagya akong na-off balance. “Lumabas ka na muna. Magbibihis lang ako at itutuloy natin sa ibaba ang usapan natin.”
“No!” Hinawakan din niya ang pinto at pilit iyong hinihila palayo sa akin. “I don’t believe you. I know you have feelings for me. I felt your lips moved when I kissed you.”
“Hindi iyan totoo.” Mabilis kong tanggi.
“No! Admit it! You may never like me because I’m still young but you like my kiss.” Parang naiiyak na sabi ni Romina. “Alam ko you don’t process it yet, but you already have feelings for me!”
“Romina tumigil ka na sa kalokohan mo.”
Pero sa halip na sumunod siya sa akin ay lalo lang siyang nagmaktol. Pilit niyang hinahatak ang pinto. Dahil mas malakas ako sa kanya kaya kahit anong gawin niyang paghila ay hindi niya iyon mabawi sa akin.
“No!” Tili pa ni Romina.
“Romina, ano bang ginagawa mo!” Napapatid na ang pasensya ko sa kakulitan ng batang ito.
“If you really don’t like me, then show me yourself. Kung wala kang feelings sa akin, hindi ka mahihiyang ipakita sa akin ang katawan mo.” Dare niya.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Isusumbong kita sa Kuya mo kapag hindi ka pa tumigil diyan.” Banta ko sa kanya.
Lalo nainis si Romina, maliban sa paghatak niya sa pinto ay sinipa niya rin iyon.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal naghahatakan pero saglit akong natigilan ng may marinig akong tao sa ibaba.
“Twinkle, are you there? Asan ka na? Male-late na ako sa flight ko.” Narinig kong sigaw ng tao sa ibaba.
At hindi ako maaring magkamali, kilala ko ang boses na iyon.
It was Romina’s mother.
“Mom—“ Mabilis na lumapit ako kay Romina at tinakpan ko ang bibig niya.
“Don’t make a sound.” Pabulong na utos ko sa kanya. I stood behind her and put my arms around her.
I left a space between our bodies. She may be fully clothed but she could definitely feel ‘me’ if I lean just a little bit closer.
“Romina, where are you? I don’t have time for your games. I told you, Ding was not here. I saw his car leave this morning.” Mas lumalakas na ang boses ng mother ni Romina.
Narinig ko din ang tunog ng takong ng Mommy ni Romina habang paakyat ito ng hagdan.
I pulled her behind my room’s opened door. It’s too late for me to close it. I wouldn’t risk making any sound.
“Twinkle, huwag ka ng magtampo sa akin. Forgive your Mom and kissed me goodbye before I go.”
Pakiramdam ko ay napakalapit na nito sa kanila.
“Twinkle?”
Hindi ko kailangang makita pero naramdaman kong sumilip sa loob ng kwarto ko ang mother ni Romina.
Narinig kong humakbang na ito palayo. Nakahinga ako ng maluwag at napasandal sa dingding. Hindi sinasadya na nahapit ko palapit si Romina sa akin.
I pulled her too close. I felt her stiffened when she felt me on her back.
Wrong move!
Because of what I did, Romina made a loud gasped and even with my hand still covering her mouth, it was not enough to suppress the sound it made.
Narinig ko muli ang papalapit na tunod ng takong. “Twinkle?” Diniinan ng mother ni Romina ang pinto at tinamaan kami.
Napabuntunghinga ako. Naipikit ko ang mga mata sa frustration. Inalis ko ang kamay na nakapulupot sa katawan ni Romina.
“Anong ginagawa ninyong dalawa diyan?” Tanong ng mother ni Romina ng makita niya kami.
“Mommy! I can explain.” Sabi ni Romina.
Nagmulat ako ng mata at sinalubong ko ang galit na tingin ni Mrs. Smith.
“Anong ibig sabihin nito?” Patuloy na pagtatanong nito.
“Mom, don’t get mad. We are just talking promise!” Si Romina ang sumagot.
“Then why do you have to do it there and why aren’t you answering me. Anong itinatago ninyo sa akin?”
“Mrs. Smith, this is my fault. I shouldn’t have let her in. Pero believe me Ma’am, iniiwasan ko po---”
“Iniiwasan namin na makita mo kami together. Mommy alam ko bata pa ako pero mahal namin ni Ding ang isa’t isa.” Putol ni Romina sa nais kong sabihin.
“What!” Magkasabay na bulalas namin ng mother ni Romina.
“And before we could continue to explain ourselves, Mommy, can we step out first. Kailangan magbihis ni Ding, nakahubad kasi siya kanina pa. Baka magkasakit siya kung hindi pa siya makakapagbihis ngayon.”
Nakita kong parang hihimatayin ang Mommy ni Romina. “You better put your clothes on, fast! One minute! I’m giving you a minute to make yourself decent!” Hinila ni Mrs. Smith sa braso si Romina at mabilis na lumabas ng kwarto ko.
I’m doomed!
“STOP playing games with me. Anong ginagawa mo dito?” Seryosong tanong ko.
I’m happy to see her last night. But seeing her naughty smile now, I am scared. The last time I saw that smile, she put me into a big s**t hole.
“I’m staying here for good.” Romina said smiling. “Aren’t you going to give your fiancée a welcome home, I miss you so much kiss?”
I knew it! Her real name was not Romina but Trouble.