"Saan ba talaga tayo pupunta,hubby?, . ,hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na itong pagtanong sa kanya. Tinanong ko siya kanina kung anong gusto niyang iluto ko para sa dinner sabi niya sa labas na lang daw kami kakain para hindi na ako mapagod. Sa tuwing tatanungin ko siya kung saan kami pupunta titingnan lang niya ako at saka ngingiti. "Huwag ka ng magtanong,wifey. ,just relax okay. ,hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi na niya binitiwan ang aking kamay. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas. Naaalala ko tuloy ang pag-uusap namin kanina. Akala ko maghihintay pa ako ng matagal para sabihin niya sa akin ang dahilan kung bakit nagawa niya yun sa akin. Monica. . ,yun ang pangalan nung babae na nakita ko sa opisina niya. She was Jaypee's l

