Kanina ko pa hindi maalis ang tingin ko kay Jayson. Ngayon ko lang napansin ang gwapo niya pala. Medyo namumula ang kanyang kutis tisoy ha! Parang gusto kong pisilin ang kanyang pisngi. Kanina pa sila nag-iingay habang hinihintay namin ang aming pagkain. Hanggang dito talaga napakaingay pa rin niya. Pagpasok pa lang namin kanina pinagtinginan na kami. At alam ko naman kung bakit yun ay dahil sa mga kasama naming lalaki. At naiirita ako sa mga tingin na ibinibigay kay Jaypee ng mga babaeng narito. Parang wala din naman silang pakialam kahit na kitang kits na hindi inaalis ni Jaypee ang kamay niya sa aking bewang at panay panay din ang nakaw niya ng halik sa akin kapag may pagkakataon. Marahil iniisip nila na isa lang ako sa mga flings nitong lalaking ito. Ngayong nandito ako sa kanyang ter

