Nandito kami sa bahay ni Tito D. Inimbitahan niya kami kasama ang mga naging kalahok sa pageant para sa isang salo salo. Pasasalamat umano niya para sa tagumpay ng pageant. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko nakikita si Eunice,sa lahat ng kandidata siya lang ang wala. Nauna pa siyang umalis sa amin sa stadium pero pagdating namin dito wala pa siya. I just want to congratulate her for winning the title. Hindi ko alam kung paano at kelan nagsimula yung tingin sa akin ni Eunice bilang isang kakompitensiya sa lahat na lang ng bagay. Basta ang alam ko lang mainit lagi ang dugo niya sa akin. Nahihiya na nga ako kay Ara kasi kahit siya nagtataka kung saan galing ang inis sa akin ng pinsan niya. Gusto ko na rin namang makipag-ayos sa kanya. Pakiramdam ko kasi matanda na kami par

