Kanina pa sumasakit ang tiyan ko sa katatawa dahil sa mga kalokohan ni Jayson. Trip na trip niya talagang lokohin si Ara, feeling ko talaga may something sa dalawang ito. Nandito kami sa likurang parte ng bahay. Dahil tapos na kaming kumain sa bahay nina Tito D,nag-iinuman na lang sila. Sila lang kasi ayaw naman akong payagang uminom ni Jaypee. Mukhang lasing na nga yung ibang mga kaibigan niya pati yung mga girlfriends nila. Okay lang naman na malasing sila kasi dito na rin naman sila matutulog. Kami din ni Ara dito na matutulog,naipagpaalam na pala ako kanina ni Jaypee kina Papa. I look at my wrist watch,it's twelve midnight na pala. Nakakaramdam na rin ako ng antok. Napatingin ako sa mga kasama ko,paisa-isa na silang nagsisipasukan sa loob,maybe they will sleep na. Tiningnan ko ang

