Lumipas ang mga araw na patuloy ang panghihina ng dalaga. Maging sina Elizabeth at Memphis ay labis na ang pag-aalala. Pinayuhan nilang itago muna ni Serena ang tunay niyang kalagayan upang hindi sila magkaroon ng mas malaki pang problema.
"Kumusta sila?" tanong niya kay Elizabeth ng bisitahin siya nito sa kaniyang silid.
"They're fine, normal lang na hahanapin ka nila. I told them na nag-eensayo ka ng 'yong kapangyarihan para mas lalo ka pang lumakas,"
"Nagtataka na siguro sila... Hindi kaya mas makakabuti na ipaalam sa kanila ang totoong lagay ko, para hindi ako nagtatago dito sa kwarto?"
"Are you crazy? Once na sinabi mo 'yan sa kanila, mawawalan sila ng tiwala sayo. Hindi ka na nila titingnan kagaya ng tingin nila sa'yo dati. Ganyan ba ang gusto mong mangyari?"
"Pero gusto ko nang matapos 'to. Gusto ko ng harapin ang dapat kung harapin. At kung tapat sila sa'kin, hindi nila ako tatalikuran."
"That's suicide, Serena! Don't even think about it!"
"But Eli-"
"Antayin mong makaisip kami ni Memphis ng solusyon sa problema mo. Sa ngayon, sundin mo muna ang gusto ko. Hindi dahil sa utos ko kung hindi dahil ito ang makakabuti sa'yo. Huwag na sanang matigas ang ulo." Pagpupumilit ng ginang.
"I'm here!" humahangos na wika ni Memphis. Bitbit ang sandamakmak na libro na kinuha pa 'ata nito sa silid-aklatan.
"Ano naman 'yan?" Takang tanong niya.
"Mag-aral ka, basahin mo ang lahat ng 'yan. Marami kang matutunan." Seryosong sagot ng binata.
"Like what?" sarkastiko niyang sagot.
"Aralin mo ang lahat ng 'yan, kailangan mong matutunan lahat ng 'yan ngayon. At huwag kang titigil hanggat hindi ka natututo." Sabad ni Elizabeth.
Maingat niyang kinuha ang isang libro at binuklat ang mga pahina. Mga kakaibang taktika sa pakikipaglaban at maging iba't-ibang mahika na pwedeng gawin ng mga bampira gaya niya.
"Halika na Elizabeth, baka magtaka pa ang mga tao kung bakit nananatili tayo rito ng napakatagal. Kailangan pa natin silang tipunin para sa siguraduhin na hindi sila mag-iisip ng masama kay Serena,"
"Okay."
Tinitigan siya ng dalawa bago ito lumabas. Naiwan siyang mag-isa habang binubuklat ang mga libro. Tiyak niyang mababagot lang siya sa pagdaan ng mga oras ngunit pipilitin niyang ituon ang atensyon sa binabasa.
---
"Hi, miss!" tawag sa kanya ni Iniego ng makita siya nito n nagpapahangin sa lilim ng puno.
"Stay away from me," mataray niyang sagot. Hindi niya pa rin makalimutan ang pinagsaluhan nila ng binata. Lalong lalo na ngayong nagbunga ito.
"Kahit kailan talaga, napakasungit mo. Ikaw ba nagtanim ng mga orchids na 'to?" nakangiting sabi nito.
"Hindi ba't ikaw ang nagtanim niyan? Bakit sa'kin mo tinatanong!"
"Easy ka lang, Miss! Para kang laging nireregla eh! Kaya lang naman ako nagtatanong dahil nagulat na lang ako na makita 'yan diyan. Eh wala naman akong naaalala na ako ang nagtanim niyan" napapakamot sa batok na anas ng binata.
Bahagya siyang natigilan sa sagot ng binata, tama nga ito. Hindi nito maaalala ang mga ginawa nito ng mga nagdaang araw dahil nasa impluwensya ito ng kalaban.
"Kung ayaw mo niyan, pwede mo 'yang tanggalin at itapon sa ibang lugar," aniya. Humakbang na siya papalayo sa binata. Nais niyang mapag-isa at ayaw niyang makaharap ang binata. Kung hindi lang siya nabagot sa pagbabasa au hindi naman siya aalis sa kanyang kwarto.
"Huwag na, ang ganda kaya ng mga orkidyas na 'to. Sayang naman kung itatapon lang. Uwi ka na ba sainyo? Gusto mo bang magkape? May kapeng barako ako sa bahay. Marami palang puno ng kape sa kabukiran. Hindi lang napapansin. Kaya nanguha ako at ngayon ay pwede na siyang inumin." Pahabol na sabi ng binata.
"No. I don't drink coffee." Simpleng sagot niya.
Nagpasya siyang bumalik sa kanyang kwarto, at dahil humihina na ang kanyang kapangyarihan at kailangan niyang tipirin ang nalalabi niya pang lakas. Nagpasya na lang siyang maglakad. Hindi gaya nang nakagawian niya na sa isang iglap lang ay napupunta na siya sa lugar na nais niya.
"What are you doing here, Dalton?" usisa niya ng maabutan ang matanda.
"I'm just checking on you, it's been a while na rin na nagkukulong ka lang dito sa kwarto."
"I'm fine, you have nothing to worry."
"I see. But it seems like you're not okay. May problema ka ba na hindi mo masabi sa'kin"
"Wala naman akong problema."
"Nag-aalala na ang mga tao sa'yo dahil hindi ka na halos magpakita sa kanila. Maging ang bisitahin sila ay hindi mo na rin magawa."
"That's why you, Elizabeth and Mephis does exist."
"I'm sorry Serena, but your people needs you. Kailangan mo pa ring ipakita sa kanila kung ano na ang nakasanayan. Otherwise they will think that there's something off with you." Sagot nito. "At hindi mo naman siguro gugustuhin na magkagulo na naman tayo." Dagdag nito.
"Dalton, ilang taon na tayong magkasama?" mahinang sabi niya. "Sa ilang taon na iyon ay wala kayong narinig na reklamo sa'kin. I followed every rules that you guys told me. I obeyed every words that you've said. And now, all I want is to rest, ganyan pa ang maririnig ko sainyo?"
"My apologies, my lady." Tila napapahiyang paumanhin nito.
"Leave me alone, Dalton."
"Right away, my lady." Sagot nito. Inilapag nito ang kahon sa mesa na hindi niya napansin na hawak na pala nito. Isa iyon sa kahon na pasalubong sa kanya ni Memphis. Ang sabi ng binata ay proteksyon niya daw iyon laban sa mga kaaway.
"And please, don't touch anything in my room." Pahabol niya.
---
"Dalton, alam mo na ba ang dahilan kung bakit hindi namin mahagilap si Serena? Bumababa na ang supply natin ng dugo. Kapag hindi ito naagapana, baka mapilitan kaming maghanap ng makakain sa labas." Tila inis na sabi ng isang lalaki.
"Kumalma lamang kayo mga kasama, mangyari ay gusto ng ating pinuno na magpahinga muna saglit. Huwag kayong mag-alala at gagawan ko ng paraan ang inyong hinaing." Sagot ng matanda.
"Nararapat lamang, obligasyon ninyo ang pangalagaan kami para sa ating salin-lahi sa mga susunod pang taon. Si Serena ang ating puno, at bilang ulo ng ating samahan. Siya ay dapat lamang na nangangasiwa ng lahat. Sa tagal ng ating pagsasama, diyata't bigla siyang nagbago. May dapat ba kaming malaman?"
"Wala! Wala naman kaming itinatago sainyo. At kung meron may ay hindi ko na alam." Sagot ni Dalton.
Dumating na rin sa pagtitipon sina Memphis at Elizabeth.
"Baka may alam kayo, Elizabeth at Memphis?"
"Ginagawa namin ang lahat para sainyong ikakabuti. At si Serena naman ay nagpapagaling pa dahil sa sugat na natamo niya sa huling labanan na kinasangkatun niya."
"Napakatagal na noon. Huwag ninyong sabihin na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababawi ang kanyang lakas?" akusa ng isang babae.
"Bakit hindi ko yata gusto ang tabas ng dila mo!" asik ni Elizabeth sa ginang.
"Kami ay nagtatanong lamang, dala na rin marahil ng pagtataka. Hindi kami nasanay na tila humina na ang ating inaasahan. Kapag nagpatuloy ito ay mapipilitan kaming maghanap ng mas matapang at mas matatag na pinuno. Isang nilalang na kayang ibigay sa amin ang lahat at hindi kami matatakot para sa aming kaligtasan lalo na ng aming mga anak," wika ng isa.
"Huwag kayong mag-alala, sa isang saglit lamang ay muling magbabalik ang lakas ng ating tagapangalaga. Huwag lamang kayong mainip at lalong huwag ninyong isipin na mahina na si Serena. Kailanman ay hindi siya manghihina, dahil mula noon at hanggang ngayon siya pa rin ang kaisa-isa nating tagapagligtas." Malakas na wika ni Memphis sa mga kasama.
Si Dalton ay nanahimik naman saglit upang bigyang daan ang pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga ito.
---
"Handa ka na ba, Memphis?" usisa ni Elizabeth habang inaabot ang punyal na gawa pa ng kanilang ninuno. Pinapaniwalaan na ang punyal na iyon ay may kakayahang pumatay ng sanggol sa sinapupunan nang hindi napapahamak ang ina.
"Oo."
"Alalahanin mo, kailangan mong masiguro na ang bata lamang ang iyong pupurohan, hindi si Serena," bilin ni Elizabeth.
"OO, alam ko."
"Mabuti naman, mag-iingat ka sana. At nawa'y magtagumpay ka sa iyong gagampanang tungkulin. Mamaya, sa pagtakip ng mga ulap sa maliwanag na buwan ay gawin mo na ang dapat mong gawin." Bilin ni Elizabeth. "Kailangan na nating kumilos hangga't kaya pa nating agapan. Dahil kung patatagalin pa natin ay baka mapano pa siya."
"Masusunod!" Sagot ni Memphis. Mahigpit nitong hinawakan ang punyal na siyang gagamitin niya sa p*****************l sa sinapupunan ni Serena.
Kailangang mamatay ng sanggol na iyon upang manumbalik ang dating lakas ng dalaga. Dahil kung hindi, tatalikuran ito ng kanilang mga kalahi.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may dalawang pares ng tenga ang lihim na nakikinig sa kanila. Ang isa ay bahagya pang napangisi dahil sa nabalitaan. Isang malaking sorpresa rito na malamang may sanggol sa sinapupunan ng dalaga. At ang isa naman ay nagngingitngit sa labis na galit.
---
Maliwanag ang buwan ng gabing iyon, palibhasa ay full moon kaya naman malakas ang kanilang kapangyarihan. Ramdam niya ang bawat enerhiyang nakapalukob sa kanyang mga kasamahan. Maging siya ay nagkakaroon na rin ng lakas at kapangyarihan, marahil ay dahil sa enerhiya na nanggagaling sa buwan kaya niya iyon nararamdaman.
Katatapos lang niyang basahin ang mga libro na dinala sa kanya ni Memphis at kasalukuyan na siyang nagpapahinga sa kanilang asotea.
"Penny for your thoughts?" nakangiting bungad ni Memphis sa kanya. May dala itong tsaa na umuusok pa sa init.
"Hahaha! I don't need penny right now." Sagot niya.
"Just kidding! Here, try to drink some tea. I've heard from Elizabeth that chamomile tea is good for our body, so I made one for you."
"Oh, thank you Memphis! You're so sweet!" nakangiting sagot niya.
Pagkabigay sa kanya ng binata ay kaagad niya iyong tinikman. Ang napakabangong aroma ng tsaa ay talaga namang nakakapagparelax sa kanya.
"Serena..." maya-maya ay tawag sa kanya ng binata.
"Hmmm?"
"Paano kung may nagawa ako sa'yong kasalanan. Will you be able to forgive me?"
"Depende sa bigat ng kasalanan na gagawin mo. Kilala mo ako, pantay ang parusang iginagawad ko sa mga nagkakasala sa akin." Sagot niya sa pamamagitan ng paghigop ng tsaa.
Pumwesto sa likod niya ang binata at rinig niya ang paghugot nito sa punyal. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay alam niyang hindi lang silang dalawa ni Memphis ang naroon.
"Pasensiya ka na, pero kailangan nating gawin ito. Magtiwala ka, para din sa'yo ang gagawin kong 'to..." Mahinang usal ni Memphis sa hangin. Umabot iyon sa pandinig niya kaya naman bahagya siyang napatingala sa kalangitan. Pagtama ng liwanag ng buwan sa kanya ay muling nagkulay-dugo ang kanyang mga mata. Ang mga pangil niya ay unti-unting lumilitaw. Ang kanyang mga kuko ay muling naging matulis at mahaba.
"Serena, patawad!" sambit ni Memphis bago nito nilapitan ang dalaga. Marahas nitong kinabig paharap ang dalaga ngunit bago pa man nito naitarak ang punyal ay naunahan na itong pigilan ng dalaga. Nagliliyab ang mga mata ni Serena dahil sa matinding galit na nararamdaman.
"Gaano na ba ako kahina upang pagtaksilan mo, Memphis!!!" umaalingawngaw ang makapangyarihang tinig niya.
"S-ser-ena!" Nanlalaki ang mga matang bigkas ng binata sa pangalan niya. Marahil ay gulat na gulat ito sa biglaang pagbabalik ng kapangyarihan niya.
"I never thought na isa ka sa kakailanganin kong patayin. isa kang traydor!" mabalasik niyang wika. Sa biglaang bugso ng kanyang lakas ay nadala niya sa ibang lugar ang binata.
Kaya naman agad na sumunod si Dalton ng makita ang mga pangyayari.
"Serena, anong nangyayari? Saan mo dadalhin si Memphis!" nagmamadaling sambit ni Dalton. Sumunod ito sa kanila ngunit sadyang mas mabilis siya.
"Goodbye, my dear friend..." Usal niya kasabay ng pagtarak ng punyal sa binata.
"Huwaaaag!" nagmamadaling sigaw ni Dalton. Nagtangka pa itong pigilan siya ngunit unti-unti ng naglaho si Memphis kasabay ng pag ihip ng mabining hangin.
"You have to let him go, Dalton. He's a traitor. And he has no place in my circle!" malakas niyang sigaw.
Dahil sa komusyon ay nagsidatingan na rin ang iba nilang kasamahan. Nakita siyang muli ng mga ito matapos ng pagtatago.
Lahat ay nagbubunyi nang makitang bumalik ng muli ang kanyang lakas. Ang dating kinatatakutan na si Serena ay muling nanumbalik.
---
Iyon ang akala nila, dahil sa muling pagtago ng buwan sa makapal na ulap ay bigla na lang bumagsak ang dalaga. Mabuti na lang at naging maagap si Dalton at kaagad siyang nasalo.
"Anong nangyari?"
"Bakit siya bumagsak?"
"Diyata't bigla na naman siyang nanghina?"
Iilan lamang sa mga salitang narinig niya bago nanlabo ang kanyang paningin.
"Serena? Wake up! Serena!" ani Elizabeth na biglang sumaklolo sa kanya. "Tulungan mo akong ibalik siya sa kanyang silid." Pakiusap nito kay Dalton.
Bumalik silang tatlo sa kwarto ng dalaga, kasunod ang iba pa nilang kasamahan na mas lamang ang panghihina ng loob dahil sa nangyari kay Serena. Naglalaro sa kanilang isipan na ang kahinaan ni Serena ay totoo at hindi lamang sabi-sabi.
Nagkatinginan ang mga ito ng makahulugan. Sa isipan ng mga ito ay kailangan nila ng bagong pinuno na makakapitan. Hindi gaya ni Serena, na nawalan na ng lakas at kapangyarihan.