Noah’s POV Papauwi na kami sa bahay nila Tita Ingrid. Hindi ako makapaniwalang ipapakaladkad niya kami palabas ng venue. Ngunit ang mas lalong gumugulo sa isip ko ay ang mga sinabi ni Emerald kanina. Imposibleng nagsisinungaling lamang siya dahil minsan ko na ring nakitang sinasaktan siya ni Tita Ingrid. Pero hindi yun ang sinabi niya sa amin nang makarating kami sa bahay nila pagkatapos kong ihatid si Cristine. Kundi nagpumilit itong makalabas ng bahay at sumama kay Harry. Yun din ang sinabi ni Aling Melda sa amin. Itinulak pa nga daw siya nito sa hagdan dahil pinigilan niya itong umalis kaya may bangas si Aling Melda sa mukha. At napilay din ito. Pagkauwi ko ng bahay ay saka ko natangap ang tex mula kay Emerald. Ngunit nang tinawagan ko na siya ay out of coverage na ang phone niya.

