Pagkarating ko sa residential condo ay nagulat ako sa laki ng space na titirhan ko. Sakop ang buong palapag ng isang hotel na pagmamay-ari ko na ngayon At nasa pinakataas pa kung saan kita ang buong Metro Manila at karatig na lugar. Pinili kong tumira dito at ipaayos mismo ang lugar na ito kay Graciela para sa pagbabalik ko. Pero hindi ko akalain na mas magiging maganda ang pagawa sa tirahan ko simula ngayon. Kinailangan pa akong tulungan ng attendant dahil sa tatlong maleta ang dala ko. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Pinaghadaan ko ng mabuti na hindi ako mabibigo. Nakakalungkot man dahil wala na si Lolo Francisco. Tuluyan niya na akong iniwan. Limang taon na rin ang nakakaraan nang mawala siya. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral sa Europe hangang sa kumuha na rin ako ng kurso par

