Emerald’s POV Tapos na kaming kumain at napainom na rin niya ako ng gamot pero hindi pa rin siya umaalis at nakaupo lang sa sofa at nagbabasa ng notes niya. Habang ako naman ay nakahiga at nakatigilid na nakatingin sa kanya. “Hindi ka pa ba aalis?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Binaba niya ang notebook na hawak niya at tinignan ako. “Matulog ka lang diyan. Wag kang mag-alala babantayan lang kita dito.” Sagot niya at itinaas muli ang notebook noo lang niya ang nakikita ko pero sa tingin ko hindi naman siya nagbabasa kasi bibihira lang naman niya palitan ang pahina ng binabasa niya. “Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko ulit sa kanya. Ayaw ko man siyang paalisin kaya lang naiilang ako at lalong hindi ako makakatulog dahil alam kong nasa kwarto ko siya. Mamaya kung matulog ako ay naka

