Malapit na kami maglabasan para mag-lunch nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone at sigurado naman ako na si Noah na naman ang nagtetex sa akin. Message Receive Hearty: Nasan ka? Me: Nasa room pa kami tatlong minuto pa. Panay tingin ko ng wall clock sa loob dahil parang ang tagal ata na magbell o excited lang akong makita ulit si Noah. Hearty: Antayin kita dito sa ilalim ng puno sa likod ng stadium sabay na tayong mag-lunch. Napatingin ako kay Clare dahil sa pag-silip niya sa phone ko. “Hearty pala ha?” Nakangising sabi niya sabay kurot sa akin. Kung nasa labas lang kami baka kung ano na ang ginawa nito sa akin. “Aray!” Impit na ngiwi ko sa kanya. “Hindi pa kita napapatawad sa paglilihim mo!” Nakanguso niyang sabi sa’kin. Tinignan ko ulit ang phone ko dahil sunod-sunod n

