Pt. 028 [[**Day 10: 9 Hours Earlier!!!!***]] 6:45 AM na at nakahiga pa rin ako rito sa kama ko. Wala na akong pasok today until 3 weeks. So, magpapataba nalang ako. Pinapupunta kami ni manang ni Bossing sa palasyo niya para magreport. Hindi naman siya galit, hindi naman marunong magalit ang mga budha. Ganun! Isa pa, pinayaman kaya namin siya ng dahil sa Kwek Kwek niya. Kahapon niya pa alam ang ganap pero di siya kaagad nakapunta kasi nga nasa Venus pa siya. Basta malayong lugar pero sakop parin ng Pinas. Ganun! So, laterloo kami makikipagmeet and greet kay bossing. And as of this moment... Wala na akong jowa! Pinaalis ko na nga kagabi... Tapos... Urrr. Kaninang madaling araw nagising ako, naalimpungatan ata ako... Hinahap ko si jowa. Napabangon pa nga ako... At naalala ko.

