Pt. 4
[***3 Beautiful Days Earlier***]
Dear Diary, I don't ussually write something about what happened to me to you, you know what I mean? Hahahahaha. Tagalog nalang Diary ha. Go!
Ganito, the day before yesterday, nagwinning galore ako ng 100kyaw!!! As in big big big money talaga iyon di ba?
I could buy a lot of boys!!!
Then, yesterday, noong nasa mall ako, may ahenteng nag-alok sa akin ng jowa!!!!
As jowang may abs daw!!!
Okay, magflash back talaga ng slight!!!!
[[***flashback***]]
"A boyfriend??? Like a real jowa????" Tanong ko talaga with matching galaw galaw neck pang to the right to the left! Ganun!
"Yes. Anyway, my name's Borromeo Loko, working in a very discreet corportion." Tumigil siya, "...but I am afraid I can't speak to you more about it, not here. So, if you got some time...." May kinuha siya sa loob ng suit niya at inabot sa akin, "...that's my calling card. Call me if you will be interested, sure you will... Mr.?"
As in LOKO talaga???
As in, nakakaloko?
Ganeeerrrn???
Very intriguing!
"Adrian, Adrian Hashtag SuperGanda Huelar. But actually, it's Miss, not Mister. Aha-ha-ha-ha!" ----AKO!
At tumayo na kaagad siya, like... Akala ko ba may mga itatanong siya ng medyo more?
So, iyon na iyon???
"Wait in the name of love!!!" ----AKO ulit.
Tumingin siya sa akin.
"Yes? Anything in mind?"
Tumingin muna ako sa paligid baka may mga baklang makarinig, maunahan pa ako sa inooffer niya!!!! Hind pwede!!
So, wala---kami lang.
"Iyang jowang inaalok mo. Gwapo ba yan? May abs? Superhot? Yummy? Iyon ganun ganun." PAHABOL TANONG KOOO!!! BAKIT BA?
Bakla nga ako no!
Alangan tanungin ko kung may malaking boobs
Like iw???
I don't even like papaya with maitim na pasas on its top!
Yaaakkkk! Irrrr...
"Trust US, we offer more than that Mr. Huelar." Sagot niyaaaaaa!!!
Pero mas nabother ako sa Mister Huelar.
Sabi ko, misss!!!
Pweeee!
[[***back to diary writing contest***]]
At ganun nga ang nangyari Diary. Ako naman, medyo naintriga talaga.
Noong tinignan ko ang card, black card na may mga capital letters na POB sa background.
As in bongga ang calling card.
Parang magnetic card sa punuang MRT at LRT!
Alam mo minsan Diary, naiinis na talaga ako samga nagsasabing, lagi daw punuan sa tren na yan.
Nakeerrr... Kung alam nilang puno na, huwag na silang makipagsiksikan pa no.
Eventually naman, makakauwi rin sila.
Matulog muna sila sa bawat station hanggang sa kumunti ang sumasakay!!!
Ganun!
Paano kung umaga?
Edi madaling araw palang umalis na sila ng bahay nila!
Kung sarado pa mga pinagtatrabahuan nila, pasok sila sa mga convinient store, matulog muna sila doon!!!
Anyway, going back to my story no.
So what it POB?
Gusto mong malaman diary???
Gusto mo bang malaman???
Wag na, nakakatamad.
Charrooot.
Okay sasabihin ko... Nakipagkita ako ulit kay LOKO kani-kanina lang!!
And he invited me over dinner sa isang high end fishball'an.
Di joke lang, sa isang bonggang restaurant.
Kwarto kwarto ang feg.
At natakot ako noong una kasi baka mamaya ako ang pagbayarin niya o kaya holdapin niya ako bigla no!!
But, I am fine, like hello Diary? Nagsusulat nga ako ngayon di ba?
Huwag kang ano diyan!
At ito ang flashbackk!!!
[[***FEW hours Earlier***]]
"It's really nice to know that you seem pretty interested Mr. Huelar." Sabi niya. At parang hindi ata siya naligo simula pa yesterday, kasi naman, ganun pa rin suot niya no.
Ako naman?
Polka dots na long sleeves! Bakit ba??
Nakashades pa nga ako kahit gabi eh.
Maarte kasi ako.
"Kahit sino namang bakla magiging interesado sa offer mo no if it's really true. Kaya kita tinawagan ay para kumpirmahin kung talagang genuine ka sa mga sinabi mo sa akin yesterday." Sabi ko.
At ang ambiance ng kwarto??
Bongga!
Gusto ko ganito rin kwarto ko. Tahimik, kalmado. Nakakarelax.
"It is Mr. Huelar. We have been doing this secret service for over a years by now. And we guaranted satisfaction for each and every cluents we had." Sabi niya!!!
Secret service???
Yesterday kuda niya...
Discreet Corporation!!
"Wait, is this even legal to the national state of the Pilipinas?" Tanong ko bago ako kumain ng bonggang beef steak.
Nakalibre talaga ako ng bongga tonight!
"Yes." Sagot niya!!!
"And you offer boyfriends? Iyon ang ginagawa ninyo? What for?????" Tanong kooo!!!
"To make someone like you... Happy. A sort of happiness you really deserve."
Saaaabeeeeee!!!
"Masaya naman ako ah. At, teka nga... Paano kung sabihin ko sa iyong may jowa ako at nag ooffer ka sa akin ng ganyan ganyan!!!"
"Tatlong bagay Mr. Huelar kaya ka nandito ngayon, una... Hindi ka masaya sa boyfriend mo kaya ka interesado. Pangalawa, wala kang boyfriend, kaya ka interesado. Pangatlo, naghahanap ka ng boyfriend kaya ka interesado. So ano ka doon sa tatlo?"
Tanungin daw ba akooooo????
Nakerrr... Stop me!
Hindi ko sinagot!!!
My answer will be number one.
Chhhhaaaarrrooottt!
Aha-ha-ha-ha!!!
"Ganern??? May tanong pa ako ulit."
"Go ahead."
"Sa dinami-dami ng mga babae at baklang umaawra sa Mall yesterday. Bakit ako ang napili mong lapitan???" Tanong ko!!! Eh ngumunguya pa siya, kaya.... "..okay, just let me read your mind. Kaya ako ang pinili mo dahil namumukod tangi ang ganda ko yesterday at talaga namang nagliliwanag ako sa ganda. Tama ba ako? Kasi kung mali ako, tatayo na ako rito at iiwanan na kita, at iisipin ko nalang na panaginip lang ang lahat ng ito!" Sabi kooo. Aha-ha-ha-ha!!!
"You really can read minds Mr. Huelar, somehow." Sabi niya!!!! Hahahaha. Ganyan dapat!!! "...pero siguro may dahilan din kung bakit ikaw ang napili kong lapitan, we just don't know what exactly is that yet. So, are you interested to take the offer?"
"May mga photos ka ba ng mga boyfriends ninyo diyan??? Gusto kong makita o makasiguradong totoo talaga sila at hindi lang ito isang malaking joke!" Sabi ko.
Naghihinala pa rin ako kahit na pinalalamunan niya ako sa high end restaurant!! Hahaha.
I got to be sure, you know.
"Wala. But I can guarantee you, POBs are the most perfect boyfriend you will ever met in you whole life."
"Yeah right, so what is POB? Poging-overwhelming boys?"
"Perfect Online Boyfriends. Database is only exclusively accessible to those who will take the service."
"Ganernn?? Online? So, chat lang kami magiging magjowa????"
"You can take your boyfriend home. It is only called Online because their information is on the database. Everything you want to about your boyfriend is there. Everything Mr. Huelar. We are now living in the modern world." Sabi niya.
"So what's the catch????" My perfect questionnnn!!!
[[**back to Diary Writing Contest**]]
Nakerrr, Diary!!!
Iyong boyfriends nila???
Worth 100k!!!
Muntik ko na talagang maluwa lahat ng kinain kooooooooo!!!
Tapos, walang free day trial????
Nakipagtawaran pa nga ako.
Wala talaga!!!!
I smelled something fishy kaagad.
Alam mo ba Diary, nakaopen ngayon ang laptop kong galing japan... Kanina pa ako search ng search ng online jowa na iyan... Wala namang nag aapeat about doon.
Meron, mga p0rns, ganun!!
Meron din puro stories lang sa w*****d!!
At kung ano-ano pa.
So malamang sa hindi Diary, isang malaking joke ang pakikipag usap ko kay Mr. Loko!!!
Akala niya siguro maiisahan niya ang baklang kagaya ko.
Imagine, painan daw ba ako ng hot boylet na gwapong may abs daw???
Tapos wala siyang maipakitang proof???
Excuse me!!
Iba nalang huwag na akooooo!!!
Pero bago kami magkahiwalay.
May binigay siya sa akin account.
I add ko raw, mag-oonline daw siya ng 10PM mamaya.
FB account daw ito!
I searched it on sss.
"POB 53"
Account ng gwapong lalaki.
Model ata.
Pero diary, wala namang ibang picture.
Ina-add ko pero 'di pa naman kinukompirma malapit na mag10PM kaya!
Malamang pagtitripan lang ako ni Mr. Loko!!!
So ganun na nga ang nangyari Diary.
At matutulog na ako dahil inaantok na ako.
Wala ng dahilan para makipag usap pa ako kay Mr. Loko. Loko loko siya!!
Daminh pwedeng pagtripan, ako pa talaga ang napili.
Anyways, nag enjoy at nabusog ako sa palibreng dinner, after all, mas naisahan ko s'ya!!! Aha-ha-ha!!!
And....
Saved as .doc
Rename.
Diary Ni Adriana Grande#12
Silip muna ako sa sss ko.
Basa basa ng mga kadramahan ng mga baklang friends ko na hindi ko naman talaga kilala.
Maganda kasi ako kaya add sila ng add sa beauty ko.
More kayang nagla-like sa mga posts at photos ko... Mga higit sampo!! Ganun.
Madami na yun no!
Hello???
Tatlo lang naman friends ko at dagdag pa si manang na consistent sa pagla-like at comment sa mga posts ko.
After few minutes.....
Ay...
May notif!!!!
POB 53 has confirmed your friend request.
10:00PM
Ay... Bongga!
Eksaktong 10 talaga???
At..
Ay!!!
Nagchat!!!!
Hmmmm...
Siya pala iyong pina-add sa akin ni Mr. Loko.
"Hi, baby." ------CHAT NIYA!!!!
BABY AGAD AGAD????????
nubeee... Wala bang getting to know stage muna???