"Wala ng rason para manatili kayo dito. Bukas na bukas din pwede na kayong umalis," malamig na sabi ni Aphro sa lima bago tumalikod. "Alis na tayo, putcha ilang gabi na akong hindi makatulog. Laging sumasagi sa isip ko ang nangyari. Nasusuka ako," sabi ni Grey pa na ilang araw ng hindi makatingin ng deretcho kay Aphro. Mula ng makabalik sila sa La Grazilla. "Ako din, pre. Pag nakikita ko si Queen, parang gusto kung tumakbo. Lalo na ngayon na wala siyang emosyon ilang linggo na mula ng gabing 'yun," pasegunda ni Dark. "Gago hindi tayo magagawang saktan ni Queen. Intindihin niyo na lang namatay ang anak niya at wala siya/tayong nagawa," sabat ni Red. "Alam mo ang iniisip ko, kung sana sinabi natin sa pamilya niya. Mababago ang lahat ng nangyari. Alam natin ang saklaw ng kapangyarihan ng

