Ms A's pov "IVAN GAVIN CLEMENTE, STOP THAT! IBABA MO ANG BARIL MO!"sigaw ni Gavin na kakarating lang. Agad siyang lumapit sa anak. Napangiti naman si Drey dahil naisip niyang ligtas na siya. Hilong hilo na rin siya kaya hinayaan niya ang sarili niyang mawalan ng malay. " He deserves to die!"mariing wika ni Ivan na hindi pa rin binababa ang baril niya. "Kuya," sabay na sabi ni Erza at Yves. Sa magkakapatid na Clemente si Erza at Yves ang walang alam sa totoong ginagalawan ng pamilya. Ang alam lang ng dalawa mayaman ang Clemente dahil sa mga negosyo sa loob at labas ng bansa. 'Yun ang gusto ni Sheen Venus na ilayo ang tatlong anak sa totoong kapahamakan. Nagkataon lang na si Shawn Yvan ay may alam na at naturuan na rin ng kanyang kuya. "Your siblings is here," sabi ni Gavin at hinawa

