SAC5

1318 Words
"Girl wala ka talagang paki kahit ikaw ang representative nuh. Di ka man lang pumupunta pag may meeting. Inis na sayo yung organizer." Tsk. "Ricardo, I'm trained. No need for them to train me but I can give them some tutorial if they want. Haha," alam kong inis na sila sa akin dahil sa makalawa na ang pageant pero ni isang beses di pa ako pumupunta sa assembly. "APHRO-!" Tsk. Clivan russel augustine. "Yow Russel. Zup." "Buti kilala mo ko. Kanina pa kita hinahanap, actually ilang araw na. Buti classmate mo yung napagtanungan ko kanina." "Where's your eyeglass?" Pansin ko dahil wala siyang suot at magulo ang buhok. "Contact lense," sabi nito at sumabay sa akin sa paglalakad. Si Ricardo naman ay nauna na. "Ang hirap mo naman hagilapin." "Ano ba kailangan mo sakin?" "Bukas ang opening ng basketball game. Pumayag ba yung classmate mong angel para maging muse ng team ni Tyrone?" Oh darn. Di pala nya alam na ang angel na sinasabi nya at ako ay iisa. Stupid. "Diba ikaw ang pres ng college student bakit wala kang alam? And please maglagay ka ng space between us, students are glaring at me." Puna ko pero tumawa lang ito at mas dumikit pa sa akin. "Rival! Malihim yung isang yun. By the way Aphro, Ikaw na lang ifefeature ko sa magazine ng school. There's something in you that I want to know more." arghhhh ang landi lang. "No." "Why not? Magiging popular ka sa school. Ilan lang nafefeature sa magazine ng school at lahat sila popular dito at sa ibang school." The hell I care! I had enough. I want a peaceful life for a year. Kaya nga nandito ako para matahimik ang buhay ko. "Still a 'NO' Russel. Don't push it baka iwasan na kita," pumunta sya sa harap ko na nakataas ang kamay. "Okay! di na kita pipilitin, sabay na tayong maglunch mamaya. Please." Gosh. "No" "Sige na. My treat ." "Russel. Alis ka na nasa senior building na tayo." Tulak ko sakanya na nasa harap ko pa din. "Susunduin kita sa room nyo mamayang lunch. Bye Aphro. Ganda mo talaga," sabi nito bago tumakbo. Tskkkk ibang iba sa GCU. Duon takot yung mga lalaking i-approach ako. Dito darn they see me as a prey. "Don't block my way, Angel." Ang luwang sa gilid. Papansin. "Anong pinag-usapan nyo ni Augustine?" Bahala sya jan. "Angel, I'm talking to you. Angel," ayan na naman ginamitan nya na ako ng oh so serious mode nya. "Sabay daw kaming kakain mamaya. Tskkk akin na yung phone ko. Ilang araw na di mo pa binabalik." Di naman ako natatakot na mabuksan niya yun. Dahil si tita AM na ang nagsabi sa akin na kahit mawala yun di din mabubuksan, may ginawa sya sa phone ko na magshushutdown pag sinabi ko sa kanyang nawala. "No, sabay tayong pupunta sa assembly ng mga contestant mamaya. Balita ko never ka pang pumunta," hinarap niya ako at binigay ang phone ko. "I'm curious about your real identity." I rolled my eyes about his statement. More act shannie. "Di ko alam yang sinasabi mo. I'm Aphrodite. Di ako nagsisinungaling." Yeah, I'm Aphro. "Yeah sure." Sabi nito at nakisabay lang hanggang sa room. Tinginan tuloy samin. Naabutan namin sa room si ma'am Lara. Tsk, anong ginagawa nya dito mamaya pa sya samin. "Pssst Ricardo. Bakit nandito yan?" "Ay girl. Buti dumating ka na. Ikaw yung ginagawang topic ni ma'am. " "Me?" "Di ba di ka umaattend ng practice. So ayun yung organizer nagsumbong sa kanya, tapos ayan putak nang putak. Tignan mo mga classmate natin irita sa kanya." That's why she looks mad. Satisfying. "Miss Ranzo di ka ba na inform na may meeting and practice yung mga kasama sa pageant? Ikaw ang problema ng mga organizer. Bago-" Mahinhin ah. Is it because sir gurang is here? Sorry to say but that prof is drooling at me. "Ma'am Mendez let me handle her. Wala kang karapatang pagsalitaan sya lalo at nakaharap ako." Oh -oh Napa ohhhh ang mga classmates ko sa pangunguna ni Ricardo. I smirked at ma'am Lara. Glaring at me won't change a thing that sir Vance has a thing on me. "Sir Vance pagsasabihan ko lang kasi nagrereklamo na ang organizer ng pageant. Baka ikasira ng event pag nagkamali sya." "Trust me. She won't," and my classmates went wild. "Oo ma'am hindi magkakamali ang pambato namin." "Beauty with brain, panalo na ang star section." "Ma'am galaw pa lang ni ate aphro halatang di na magkakamali." "Mananalo tayo." "Trust him daw, ma'am tiwala lang sa kaibigan ko pang miss universe to." Naiiling na lang ako habang natatawa sa pinagsasabi nila. Mali naman talaga ang hindi ko pag attend. Tamad lang akong pumunta lalo at alam kong alam ko na lahat ng ituturo. Sa last rehearsal na lang. Bago umalis si ma'am Lara ay masama pa syang tumingin sakin. Woah, I'm scared. Haha. "Excuse me, sir. Pwede bang lumabas saglit?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagtuturo ni sir. "Why?" I'm hungry. "CR," sabi ko. "Make it fast. Baka kung sino sino na naman ang kakausapin mo." Sagot nya kaya napatingin ako sa mga classmates kong iwan. Yung iba nakatingin sakin, yung iba parang wala lang. And ricardo has this face na parang sinasabing 'someone is jealous.' Tumayo ako para lumabas pero bago yan pasimple akong dumikit kay sir sa harap na madadaanan ko. " Ang gwapo natin ngayon sir gurang ah," biro ko dahil napaka seryoso ng awra nya . "Tsk," he hissed. Pagkalabas ko ay natatawa na lang ako sa kabaliwan ko. Nag eenjoy na ako dito. Pagdating ko sa canteen nakita ko ang mga lalaking naka jersey. Tinuro pa ako nung isa. Oh-oh "MY GODDESSSSSS," sigaw nung tyrone. "Si captain oh my goddess daw." "Mukhang tinamaan na ang captain natin." "Ang ganda, sya ba yung high school?" "Oo. Ang ganda nuh walang panama ang mga babae sa department natin." "Kaya pala muse. Ang ganda." "Dyosa." Arghhhh nagkamali ata akong pumunta dito. But I'm hungry. There's no turning back. "Excuse me, one lasagna and strawberry shake," I ordered. "Ah ineng wala kami nun dito." Sabi ni manang kaya napangiwi ako. "Coke and burger po." "My treat. Manang dagdagan nyo nung chocolate cake para sa magandang babae dito." It's Tyrone. I face him. "Hello," I said and smiled. "s**t, ang ganda." "Thanks," ngumiti na naman ako. Ang hirap mag sungit sa province kasi yung mga tao ang genuine unlike sa Manila lahat may issue. "Ahhh-ano." He's cute para syang nahihiya . "Ang ganda mo." Sabi nito bago nilahad ang kamay. "Tyrone San Mateo, captain of college department basketball team." "S-ahh Aprodite Ranzo. Nice meeting you, Tyrone." Kinuha nya yung order ko at naglakad sa table nila wala na akong nagawa kundi sumunod. "HOY JEORGE DUN KA SA KABILA. UUPO SI ANGEL- APHRO." "Ahh thanks. Dun na lang ako sa kabilang table. Kakain lang ako at babalik sa klase ang paalam ko kasi sa sir namin mag ccr lang." Nakangiti kong sabi. Napapadalas ang pag ngiti ko huh. "Dito ka na lang. Ihahatid kita sa room mo pagkatapos," wala na akong nagawa kaya umupo at kumain na lang while everyone are staring at me. "Ang ganda nya capt." "Pati pagkain with poise." "Ang kinis" "Ang haba ng pilik mata." "Nainlove na ata ako capt." "Gago" They are more annoying than Yuan's team. "Bakit Angel yung kumalat na name mo?" "Nakalimutan ni sir ang name ko kaya natawag akong angel. " "Nakalimutan nya. Bago yu-" "HOY GIRL HINAHANAP KA NA NI SIZZLING HOT PROF . LAGOT KA!" sigaw ni ricardo na nasa pinto ng canteen. I'm doomed. Aalis na ako ng magsalita si captain. "Be our muse ." "No" "In return ililibot kita sa buong La Gazilla. Pati sa secret lagoon. Magugustuhan mo dun." Ohhhh, Ilike that. "Okay. Bye" Narinig ko pa ang hiyawan ng team. At malakas na YES ni tyrone. Tsk "THANK YOU, MY GODDESS."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD