Chapter 26 (There is no true love without jealousy) Matapos ang pagpunta ni Clarenze para dalawin si Arianne ay nagsimula na siyang mas maging abala para sa pag hahanda sa nalalapit na mid-term examination mas inspirado siya ngayong mag-aral at makakuha ng mataas na marka dahil bukod sa may Arianne Joy na nagpapasaya sa kanya ay mas maayos na ang relasyon nilang mag-ama. Araw ng mid-term exam, maaga pa ay nasa school na si Julius na noon ay paspas sa pagbabasa ng kanyang lecture halatang hindi nakapagbuklat ng dapat aralin. “You look so serious Julius Roy, hindi ka nagreview noh?” Bati ni Iverette dito. “Medyo hahaha...naaya kasi ko ng barkada eh nalasing ng todo kagabi me hang over pa nga ako pinilit ko lang bumangon at exam nga natin.” Pag amin ni Julius. “Ano isasagot mo kung wala

