Chapter 8 (Bet on you) Nakauwi na ng maayos ang grupo nagpaalam na rin sina Julius at Clarenze matapos maihatid sa bahay sina Tiyo Luisito. “Pare, shot tayo mamaya dun sa tambayan pupunta daw sila Marlon at Rico.”Aya ni Julius kay Clarenze. “Titingnan ko pare kapag walang inutos sakin si daddy sige pupunta.”Sagot naman ni Clarenze kay Julius. “Walang tanggihan ah, napakadalang mag aya nung dalawa na yun magtatampo satin yun sige ka basta iintayin ka namin kahit mga bandang alas nueve ka na pumunta para kahit paano nagpapahinga na sila Tata Jaime.”Pangungulit pa rin Julius. “ Oh siya sige.”Pagtatapos ni Clarenze sa pangungulit ni Julius. Wala naman pagsidlan ang saya ni Arianne sa hindi niya malamang dahilan tila bumabalik sa kanya ang eksena nila kani-kanina lamang sa matatarik na

