CARMELA “I want to sleep na, hindi na pala ako iinom.” sabi ko sa kanya. I heard him chuckle kaya naman nahihiya ako. Nawala ako sa sarili ko kaya naman bumigay ako sa halik niya. Kakasabi ko lang kanina na maging magulang kami sa anak namin. Pero itong karupukan ko ay hindi ko rin napigilan. “Okay, matulog na tayo.” bulong niya sa akin. Napapikit naman ako dahil kakaiba ang hatid sa akin nang pagbulong niya. Pero kaagad kong sinaway ang sarili ko. Hindi maaari ito, hindi. “S–Sige,” nauutal na sagot ko sa kanya. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil bakit ba ako nauutal? Napaghahalata na tuloy ako na kinakabahan ako. “Puwede ba akong tumabi sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “P–Puwede naman, ikaw ang bahala” mahina na sagot ko sa kanya. “Thanks, Mi vida. I love you,” bulong niya sa aki

