CARMELA Umakyat ako sa silid namin. Pagpasok ko ay nakahiga na ang asawa ko at halatang natutulog. Pumasok ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay nakaupo na sa kama si Oliver. Nakatingin siya sa akin. “Mi vida, bakit hindi mo sinabi sa akin na may kakambal ka?” tanong niya sa akin. “Sorry, love. Gusto ko kasi sabihin sa ‘yo kapag nakauwi ka na.” sagot ko sa kanya. “Sure ka ba na kapatid mo siya?” tanong pa niya sa akin. “Oo, maliban sa magkamukha kami ay sinabi rin ni daddy sa huling sulat niya na may kakambal ako.” sagot ko sa kanya. “May sulat siyang iniwan sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Opo, nakita ko sa damitan ko.” pag-amin ko sa kanya. “Okay po. I miss you so much, Mi vida.” nakangiti na sabi niya at hinila niya ako palapit sa kanya sabay yakap sa tiyan ko. “I miss you too

