CARMELA “Can we talk?” tanong sa akin ni Sunny sa akin. “About what?” tanong ko rin sa kanya pero gamit ang kalmado ko na boses. “Are you mad at me?” “No, I’m not.” sagot ko sa kanya. “But feel it, Carmela. Ramdam ko na galit ka sa akin. Dahil ba sa asawa mo? Hindi mo ba gusto na pinapansin niya ako? Nagseselos ka ba sa akin?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Hindi ako galit sa ‘yo at hindi ako nagseselos sa ‘yo. Bakit naman ako magseselos?” tanong ko sa kanya. “Kahit na itanggi mo pa ay halatang insecure ka sa akin.” sabi niya na biglang nagpakulo ng dugo ko. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang mga sinasabi mo?” naiinis na tanong ko sa kanya. “Alam ko ang sinasabi ko. Alam ko rin na natatakot ka na baka magustuhan ako ng asawa mo. Lalo na magkamukha tayong dalawa.” sabi pa ni

