CARMELA Ang bilis ng mga araw at sa mga araw na dumaan ay sobrang hirap para sa akin. Hindi na kasi kami naging maayos ni Oliver. Kabuwanan ko na ngayon at malamig pa rin siya sa akin. Malamig pa rin ang pakikitungo niya. Umuuwi siya pero dalawang beses lang sa isang linggo. Hinayaan ko na lang rin dahil wala na akong magagawa pa. Sinasarili ko na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mailabas ko ng maayos ang anak ko. Hindi na rin ako lumabas ng bahay para hindi na kami mag-away pa. Nagpakabusy na lang ako sa pag-aayos ng silid ni baby. At masaya naman ako sa naging outcome ng ginawa ko. Ang cute na ng room niya. Nagburda rin ako ng pangalan sa mga lampin niya. “Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni manang. “Opo, okay lang po ako.” sagot ko sa kan

