"s**t!" bigla kong nausal sa sarili. Sino ba ang babaeng ito? Siya na ang natulog sa kwarto ko ngunit ako a yata ang magiging masama.
"Miss, calm down! Kwarto ko ito! Sino ka ba at bakit ka natulog dito?" natataranta kong sambit sa kanya.
"Huh?"
"Kapatid ako ni Gaya. Ako ang kuya Ronnie niya. Ikaw, sino ka?" tanong ko uli. This time ay tila nagsink in na sa utak niya ang sinabi ko.
"I'm sorry sa pagfreak out ko. Nagulat kasi ako na me lalaki dito sa kwartong ipinagamit sa akin," aniya at tila nahihiyang nagbaling ng tingin. Isinunod ko naman ang tingin sa maamong mukha niya. Tingin ko'y tinedyer lang ito. Maputi at matangkad sa karaniwang mga babae.
Muli itong tumingin sa akin. And this time, nagawa ng salubungin ang aking mga mata.
"I'm Sheena. Kaibigan ko sila ate Gaya. Isinama nila ako kasi pinalayas ako ng parents ko at wala akong mapuntahan."
Ahh.. typical of Gaya. Mahilig talagang mag ampon ang kapatid ko. Soft hearted ito sa mga naaapi at kapus palad.
"I'm sorry kung nandito ako sa kwarto mo. Di ko naman kasi alam na sa yo pala ito. Lilipat na lang ako sa mas maliit na kwarto" anito at akmang aalis na sa kama.
"Wait! You can stay here in my room. Ako na lang ang lilipat sa guest room. Me sariling bahay naman ako at doon nakatira. Nag iistay lang ako
dito pag bumibisita kay Gaya,"
"Ahh.. okay pero baka naman nakakahiya kasi sayo itong kwarto tapos ikaw pa yong tila mapapaalis dito..." nahihiyang usal nito.
"It's okay tutal bihira lang naman akong pumunta dito. Basta wag mo lang aalisin itong mga gamit ko dito. I'll be okay in the guestroom," sabi ko habasng kumukuha ng damit sa may closet. Pagkakuha ay dumiretso na ko sa banyo at nagbihis.
Paglabas ko ay nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama ko. Hinagod ko siya ng tingin. Anong meron sa babaeng ito at napapayag akong ipagamit sa kanya ang kwarto ko?
Isa kasi ito sa ugaling meron ako. Ayokong pinakikialaman ang mga gamit ko lalo na ang mga personal. Kahit mga bestfriends ko ay di nakakaupo sa aking kama.
Ang mga babaing nakaka one night stand ko ay sa hotel ko dinadala o sa mga motel. Never ko silang inuuwi.
"Sige na, mag ayos ka na at aantayin ka na namin sa komedor. Kakain na raw ng lunch."
"Sige, mauna ka na. Sunod na lang ako." At nakita ko ang tipid na mga ngiti sa kanyang labi. Ngiting nahihiya.
"Okay, i'll go ahead," paalam ko pa at tuluyan na kong lumabas. Napahugot pa ko ng malalim na hininga ng tuluyan akong makalabas ng pinto.
Ahhh.. What happened there? Hinaplos ko ang noo at leeg ko na waring tinitingnan kung me lagnat o sinat ba ako. Naninibago kasi ako sa ugali ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ako ito. Baka naman nasasaniban lang ako.
Dinatnan ko na sa dining ang mag anak ng makababa ako.Kumakain na ang kambal habang aliw namang kinakausap ni Gaya ang kalong na sanggol. Lumapit naman ako dito at tiningnan ang itsura.
"She's pretty," komento ko.
"Yeah, she's so precious."
"Can i?" sabi ko at akmang kakargahin ito ng biglang sumigaw si Jay.
"NO!" Agad itong lumapit sa ina at tila pinoprotektahan ang sanggol against me. "You are not allowed to touch her tito!"
Sa narinig ay napatawa ako ng malakas ganundin ang mag asawa.
"Nakalimutan kitang warningan kuya. Super possessive yan ke Alessa na maski si George ay pinagbawalan din noon," natatawang sabi ni Gaya.
"Aba'y bakit naman? Di ko naman sasaktan ang bata."
"Kanya daw kasi si Alessa. Itinalaga na niya itong magiging asawa balang araw kaya naman ngayon pa lang ay binabakuran na," natatawang paliwanag ni Gaya.
Napatawa ako habang naiiling. Ibang iba talaga itong anak nila George. Akala mo matanda na kung mag isip kaya pinagsawa ko na lang ang tingin sa kargang sanggol ni Gaya.
Bumalik naman ako sa aking upuan ng mangalay ang aking mga paa. Maya maya pa ay dumating na si Sheena. Nakaligo na rin ito at aliwalas na ang itsura.
"Kain na Sheena," ani ni Gaya. "Maya mo na padedehin si Alessa." dagdag pa nito na siyang nagpalaki sa aking mga mata. Diyata't ito ang ina ng sanggol na inaalagaan ni Gaya at George.
Me anak na ito gayong tila isa itong tinedyer pa lang! Gosh.. di ko ito ineexpect. Kala ko nag ampon na naman ng bata ang kapatid ko, yun pala mag ina pa ang kinupkop.
Minasdan ko ang batang ina ngunit ibinaling lang nito ang tingin sa iba. Nahihiya siguro sa akin.
"Ilang ka na Sheena?" tanong ko ngunit napayuko lang ito bago sumagot.
"Mag eeighteen po next month," mahinang sagot nito.
"So nasan ang ama ng anak mo?" muli kong tanong na lalong nagpanerbiyos dito. Nang mag angat ito ng tingin ay may namumuo ng luha sa gilid ng mga mata.
"I'm sorry po pero nasa France na po siya. Dinala po siya doon ng magulang nong malamang buntis po ako. Ayaw po nila sa akin kasi di po ako mayaman." lakas loob nitong sagot.
Ang luhang nakita ko kanina ay nawala na. Tila napalitan na ito ng panghahamon para akin upang ituloy ang usapan.
"Yong lalaki, di ba natuwa nong sabihin mong buntis ka? More likely naman na pag bata ang usapan ay dapat siyang magbigay ng support," patuloy ko pa.
"Ayoko na pong isipin pa ang tungkol sa taong yun.Masakit mang isipin pero ng umalis siya ay pinatay ko na siya sa buhay naming mag ina.Sa ngayon po, wala na akong kailangang isipin pa kundi ang anak ko lang. Nasira ang buhay ko dahil sa lalaking yon kaya wala ng dahilan pa para paglaanan ko pa ng oras ang tungkol sa kanya." Puno ng katatagan ang mukhang sagot nito.
"Hmm, pero nalalaman mo din siguro Sheena ang batas natin dito sa Pilipinas. Kung siya ang ama, me karapatan pa din siya."
"Anong karapatan ang sinasabi mo?!" ang malakas nitong sigaw sa akin na tila nakapagpagising naman sa diwa ko. "Sa kabila ba ng hirap na dinanas naming mag ina ay me pakialam ba ang taong yon!? Wala! Wala siyang naging pakialam na kahit mamatay pa kami sa kalsada ng anak ko! Ilang buwan akong nagpalaboy laboy sa kalsada! Ilang buwan akong nakipagsapalaran sa gitna ng ulan at init ng araw makasurvive lang kami ng anak ko!" emosyonal nitong sabi. "Me nagawa ba siya to save me? Wala, kasi mas nauna niyang sinalba ang sarili niya. Kaya kahit ikamatay ko pinanindigan ko na lang. Kundi pa dahil kay Joy at ate Gaya, siguro patay na ko sa panganganak ng baby ko. Now tell me, ANO ANG KARAPATAN NIYA SA ANAK KONG DUGO AT BUHAY ANG GINUGOL KO UPANG MABUHAY LANG SIYA!"
Napipi ako sa narinig. Seventeen lang siya pero napakatatag niya. Sa edad niyang ito ay napakarami na pala niyang pinagdaanan.
Nahiya ako sa sarili ko. Sa pagtatanong ko sa kanya ay nabuksan ang nakaraang dapat ay binabaon na sa limot.
"I'm sorry." mahinang paghingi ko ng paumanhin."I didn't know."
Tumingin ako kay George at Gaya na tahimik lang na nakikinig. Mukhang maski ang mga ito ay ngayon lang din narinig ang mga bagay na ito dahil naluluha pa ang kapatid ko.
"Itinakwil siya ng pamilya niya kuya at ilang buwang namuhay sa lansangan. Inuwi ko siya dito kasi naawa ako sa sitwasyon nilang mag ina."
Napatungo ako sa narinig. Feeling ko ay naging monster ako sa harap nila. Naging insensitive. Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita uli.
"I'm sorry don sa nasabi ko. Nagtaka lang ako kasi ang bata mong nanganak. Pero don't get me wrong. Never kong jinudge ang mga tulad mo. Truth is humanga ako ngayon sa katatagan. Ngayon lang ako nakaencounter ng tulad mo. Kala ko sa mga nobela at pelikula lang nangyayari ang ganyang sitwasyon. Now i know," sabi ko ngunit di na nagtaas pa ng tingin ang dalaga hanggang sa matapos kaming kumain.
Pagkakain ay nagkwentuhan muna kami sa salas habang si Sheena ay nagtuloy na sa kwarto upang padedehin ang anak. Pansin ko ang sobrang closeness ni Gaya sa dalaga.
"So anong plano nyo ngayon?"
"Maliban sa pagpapakasal nami.." napipigilang sagot ni George ng pandilatan siya ni Gaya.
"Ayusin mo muna ang tungkol kay Ellen bago isipin ang tungkol sa kasal," sambot naman ni Gaya.
Napatingin ako kay Gaya bago kay George. Me third party ba?
"Ellen is nothing to me and you know that. Bakit ba lagi mo syang idinadawit sa tuwing napapag usapan ang proposal ko sa yo?" nangingiting sagot din ni George.
"You know how dangerous she is! Ayokong mapahamak ang mga anak ko dahil sa obsession niya sa yo."
"And i won't let anything bad happens to you and to the kids. Alam mong i will protect all of you with my life," anito at masuyong niyakap ang kapatid niya.
Napapailing na lang siya. Super cheesy ni George sa kanyang kapatid. Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala. Mahal na mahal ni George ang kapatid ngunit nagawang ilayo ang mga anak sa banta ni daddy noon na dadalhin sa America ang mag iina.
How come na sa ilang taong paghahanap namin ay di natagpuan ang mag aama then all of a sudden ay naiuwi ang mga ito ng kanyang kapatid.Hahh.. such a small world. Sadya nga siguro silang pinaglapit ng tadhana upang maging sila pa rin sa huli.
Ang pasaway na kapatid.. napatino ni George. At bonus pa dito ay napalabas pa nito ang mga natatanging talent ng kapatid. Ang natural na galing nito sa negosyo at tamang diskarte.
At umuwi na siya sa sariling bahay.
Pagkakain ay umakyat na siya sa kwarto dala ang anak. Napakabehave ng kanyang anak. Gawa siguro ng nararamdaman nitong marami ang nagmamahal dito. Di ito nawawalan ng mga brasong yumayakap at nag aalaga sa kanya.
Natatawa siya sa nangyari kanina. Siya na nakikidamping lang sa kwarto ng may kwarto ang siya pang may ganang sumigaw ng help at paalisin ito sa sariling kwarto.
Kung bakit naman kasi dito siya iginiya ng katulong. Andaming kwarto ng bahay na ito. Bakit sa kwarto pa ng Ronnieng yon siya pinatuloy.
Ipinasya niyang ilapag sa kama ang anak. Tulog na naman ito. Wala na halos ibang ginawa kundi ang matulog at magdede. Sabagay, makikita naman ang epekto ng kasibaan nito sa tulog at gatas. Mabilis itong lumaki at talaga namang malusog.
Kung sana lang ay pinanindigan siya ng nobyo. Wala sana siya sa estrangherong lugar na ito. Kasama pa sana niya ang buong pamilya niya. Pero di na maibabalik ang lahat. Wala na ang pamilya niya at ibang pamilya na ang kumukopkop sa kaniya.
Sabagay, grateful pa rin siya na mabait ang nakatagpo sa kanila ng anak. Mahal na mahal ng mga ito ang anak niya at inako na silang pamilya. Marami din silang plano para sa amin at nasasabi ko ngayon na blessing in disguise yong pagtatakwil ng magulang ko sa akin.
Ngayon ay ramdam ko na kung paano ang may pamilya na nagpapahalaga sa mga miyembro nito. Dati may pamilya nga ako pero di ko maramdaman ang pagmamahal. Tama na sa mga itong nabibigyan kami ng allowance at napapakain kami sa araw araw. Ni hindi man lang nila makumusta ang pag aaral namin o ang pang araw araw na buhay namin.
Ahhh.. Naalala ko na naman ang supladong kapatid ni ate Gaya. Matangkad, maputi at laging seryoso ang mukha. Pero salamat na lang at di ako pinaalis mula sa kwarto nito. Ngunit sobra akong nagfreak out sa mga pinagsasabi niya. Na para bang pinapamukhang malandi ako.
Oo nga at nagkamali ako sa pinagtiwalaan ngunit wala siyang karapatang ipamukha yon sa akin. At di rin makatwirang panigan niya ang walanghiyang nobyo ko dahil walang mabuting ambag yon sa buhay ko. Semilya lang ang ambag niya at wala ng iba kaya wala itong karapatan sa anak niya.
Sa tindi ng pagngingitngit niya'y nagising tuloy ang anak niya kaya tinabihan na lang ito at pinadede uli.
Lumipas pa ang two weeks at nag umpisa na ang pasukan sa eskwela. Kumuha si ate Gaya ng yaya na mag aalaga kay Alessa habang nasa school kami ng kambal. Magkalapit lang ang high school na pinapasukan ko sa eskwela naman ng kambal kaya dinadaanan ko na lang din sila upang sabay kaming uuwi. Hatid sundo kami ng driver ni kuya George.
Noong una ay hirap akong mag adjust dahil wala akong kakilala doon hanggang sa makilala ko ang mga bago kong kaibigan.
Si Lara, Milo at Sherrie. Mga mababait kong kaklase. Sila yong mga kalapit upuan ko sa classroom na nagtatanggol sa akin sa tuwing pagtitripan ako ng queen bee sa school.
Ewan ko ba kung bakit mainit lagi ang ulo non sa akin. Palibhasa daw ay anak mayaman kaya bully sa iba.Kahit saan kami magtagpo ay pilit akong pinapahiya. Mabuti na lang at to the rescue ang mga kaibigan ko kaya nakakaiwas din ako.
Ayoko namang magsumbong kila ate dahil alam kong busy ang mga ito sa kanilang mga negosyo.
Bihira ding dumalaw ang kuya Ronnie sa hasyenda kaya nasolo ko na ang kwarto nito.
Balita ko ay busy ito sa sariling resto na nasa bayan. Chef daw ito sabi ni ate Gaya. Dito pala nakuha ni ate ang galing sa pagluluto.
Gusto ko ring matuto tulad nila. Alam kong isa ito sa mga kwalipikasyon na hinahanap ng mga lalaki sa isang babae. Naipangako ko man sa sarili na di na ako iibig ngunit who knows? Baka naman sa hinaharap ay dumating din yong lalaking talagang laan sa akin. Yong lalaki na itulak ko man at isumpa ay magagawa pa ring daigin ang aking mga defences!
"Sheena baby, anong strand ba tayo ngayon?" tanong ni Milo, ang bruskong kaibigan ko na closet queen. Yes, tama ang narinig nyo. Closet queen siya...as in BAKLA. Bakla ngunit brusko ang itsura. Mapapagkamalan mong macho gwapito kung di mo alam ang itinatago nitong sikreto.
"Sa cookery na lang siguro ako bes kasi pwede akong magpaturo sa ate Gaya ko."
"Ay ganon! Kayo mga bes?" tanong uli nito sa dalawa pa nilang kaibigan.
"Ganon na rin kami para sama sama pa rin ang grupo." sabay ding sagot ng dalawa.
"Okay, ganon na tayong lahat. We stay together para di tayo maisahan ng Lorenang yan," nanggagalaiting tukoy pa nito sa mapang aping queen bee ng eskwela.
Alam kasi ng mga ito ang bawat advances sa akin ng Lorenang iyon. Saksi sila kung paano ako nito ibully at naiiwasan ko ang mga ito sa tulong ng aking mga kaibigan. Kaya naman nangako ang mga ito to stick with me. Yes, kung nasan ako..doon din sila.
At nagkasundo na kaming magcookery na lang.
Ngunit sa kabila nito ay di ko pa kayang ipagtapat sa mga ito ang kanyang sikreto. Ang sikretong tinatago ko sa hasyenda. Sikretong maaring makasira sa tiwala nila sa akin at mag alis sa respetong binibigay nila sa akin.
Ngunit ganon pa man, ang sikretong ito ang ginagawa kong motivation upang makapag aral at makapagtapos.
Just hoping na darating yong panahon na malalaman nila ito at matututunan din nilang tanggapin bilang parte ng buhay ko.