The Bet

1324 Words
PAGDATING KO sa bagay namin na three-storey home at may rooftop, dumiretso ako sa kusina para ilagay ang mga natitirang kwek-kwek sa plato sa may lamesa at tinakpan ito. Umakyat agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit saka humiga sa kama ko at nagsimulang mag-cellphone. Habang nag-scroll ako sa f*******:, nagulat ako nang bigla akong nakareceive ng isang friend request from that jerk. 1 Friend Request from Brandon Orland. Sigurado ako na siya 'yun dahil sa profile picture niya. Of course, I didn't accept. Naiinis pa din ako sa kanya but I stalked his account. Para sa isang tahimik na lalaki sa school, nakapublic ang account niya. Saka infairness, mukhang super duper active niya sa f*******:. Walang araw na dumaan na wala siyang post. Wala ba 'tong ginagawang iba aside from school? I checked his albums and to my surprise, naka-public din ito. I checked his photos from 2004, mga panahong bata palang siya and I must admit na he was cute. I decided to stop stalking him and eventually fell asleep. Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. I woke up at 9 pm. Feeling annoyed, I picked up my phone and the first word I said was, “Ano?” “Chill bessy,” sabi ni Jessica mula sa kabilang linya. “mukhang natutulog ka na ata.” “Yeah. Nagising ako dahil sa tawag mo, thanks to you!” “Sungit naman ng bessy ko. Tanong lang, nakita mo na showing na bagong movie sa cinema?” “Hindi pa. Bakit? Gusto mong manood ng cine?” I was expecting for her to say yes, dahil mahilig siyang manood ng movies so imagine my surprise when she said no. “No, ayoko,” sabi niya. “okay, gusto kong manood ng cine but I'd rather watch alone. Sorry! Maybe next time?” “What? Eh bakit ka tumawag kung pupunta ka ng mag-isa?” sabi ko saka nag-buntong hininga. “Actually, may isang taong gustong manood ng cine kasama mo.” “Okay, are you planning on setting me sa isang blind date?” Hula ko and I'm sure na tama ako dahil I remembered her convincing me to go on blind dates countless times. “Yes,” sabi niya. I knew it! “don't worry, he's not a stranger and he's a good man. By the way, until pumayag ka, hindi kita tatantanan kasi sigurado ako na tatanggi ka.” “Buti alam mo,” sabi ko. “don't try kasi alam kong you already know that I am not going on a blind date.” “Well, let's see about that.” And with that, binaba na niya ang call and immediately went back to sleep. *** THE NEXT DAY, laking gulat ko nang biglang sumulpot si Brandon Orland, the loser, sa usual table namin ni bessy — ang table sa cafeteria sa school. As soon as I saw him, I raised a brow at him at hindi nag-salita. Si bessy lang ang nakipag-usap sa kanya. “Oh, hey Brandon! Andito ka na pala,” sabi ni bessy with all smiles. “tara, upo ka dito.” Then umurong si bessy to give him a space to seat. I was sitting across him pero never ko siyang tinignan. Nang naramdaman ko na tinitignan niya ako, I looked up and threw him a very sharp glare. “What are you looking at?” “Ang sungit mo naman,” sabi niya. “Ngayon nga lang ako nakisama sa inyo eh. Or wait, galit ka ba dahil sa pagbili ko ng 20 kwek-kwek kapalit ng isang kwek-kwek na nalaglag dahil sa'kin?” So he's not insensitive like I thought he was pero kung alam niya naman palang magkaka-dent ang pride ko kung gagawin niya 'yun, why did he do it?! I didn't speak. I just ignored him because I was so pissed at him until now. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito? “Ooh, so nagkausap na pala kayo!” sabi ni bessy saka ngiting-ngiti. “Oo, sa may kwek-kwekan. Nakita ko siyang kumakain doon na parang aso na gutom na gutom.” sabi niya. “Excuse me?! Did you just compare me to a freaking dog?!” I growled at him. “Maybe?” sabi niya. Ano bang problema ng lalaking ito? Okay, keep your cool Claire. We have to handle this kind of situation calmly like a normal and mature human being. “Bakit ka ba nakiki-share dito sa table namin? Why don't you go somewhere else? Table namin ni bessy 'to!” sabi ko and si bestfriend ang sumagot. “'Wag ka ngang ganyan. He's my childhood friend, remember? So I invited him over,” sabi niya. “Eh bakit ngayon lang?” “Sino may sabing ngayon ko lang siya inimbitahan? Ilang beses ko na siya inimbitahan pero palagi siyang tumatanggi,” — Tumingin siya kay loser saka siya naman ang kinausap. — “bakit nga ba?” Nagtataka ako kung bakit biglang ang friendly niya kahapon pa. Like, he transformed into someone new. Hindi kaya sinapian 'to ng isang kaluluwang friendly? Okay, not a good joke but nakakapagtaka naman kasi. “Honestly, gusto kong makilala si Claire ng lubusan lalo nang nakita ko siya kahapon. Hindi ko akalain na simpleng tao lang siya at marunong siyang kumain ng street food.” paliwanag niya. “Don't Claire me, hindi tayo close for the first-name basis,” I said sharply. “so are you saying na kaya ka lang nakikipag usap sa'kin ay dahil napagalaman mong I can be a simple girl din?” “Maybe?” I snorted. “So are you saying that you were intimidated by my presence dito sa school dahil sa aura na ipinapakita ko? You know and everyone knew that I can do well, right? I always do.” “Daming sinasabi,” sabi niya. “at para sabihin ko sa'yo, hindi ako intimidated sa'yo. Bakit naman? Para sabihin ko sa'yo, kayang-kaya ko na magkaroon ng mataas na grades and magandang reputation. Hindi lang ako nakikisali. Alam mo na, partida sa'yo.” The nerve of this guy! This is the very first time someone dared to talk to me like that. And if tingin niya na I can't stand up for myself, he's wrong. 'Yung ibang tao nga, naipagtatanggol ko, hindi ba? Before I am able to retort to his statement, he continued speaking. “Gusto lang naman kitang maging kaibigan at tingin ko, kailangan mo din ng isa pang kaibigan bukod kay Jessica. Nagiging comfortzone mo na siya, hindi mo ba nakikita?” That left me in shock. “Bessy, tama siya. Hindi ka pwedeng masanay sa'kin. Paano na kung pupunta na ako sa Canada?” sabi ni bessy and she's not wrong about that. Still, kahit anong mangyari, there is no way I'm gonna befriend that guy. “Magkakaroon naman ako ng kaibigan sa Starlight University once I got in. Saka, it's not like hindi ko kayang magkaroon ng kaibigan.” I shrugged. “Kahit na ayaw mo akong maging kaibigan, I'll make you a friend of mine.” sabi niya and I could see the fire on his eyes. Yep. I'm convinced now that it's either he hit his head or something or sinapian lang talaga ng mabuting espiritu. “Kung kaya mo,” paghamon ko sa kanya as I folded my arms together. “Let's make a bet, then,” sabi niya. “kung hindi kita ma-tatame before grumaduate, gagawin ko lahat ng sasabihin mo pero if I am able to tame you, kinakailangan mong lumabas kasama ko para manood ng cine.” Natawa ako sa kanya. “Thirty days? Come on, be realistic! Tingin mo, kaya mo sa ganun ka-ikling panahon lang?” Napahinto ako sa bigla kong naisip at na-realize na si loser ang plinaplanong ipa-blind date sa’kin ni bessy. I shot her a glare and she looked the other way while pouting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD