“HINDI mo na dapat ginawa iyon,” wika ni Shelby na nilangkapan ng disgusto ang tinig. “Wala na tayo, Rogel. Tanggapin mo na iyon. Nagpunta lang ako dito para isoli ito sa iyo. Wala nang dahilan para itago ko pa ito.” Inilabas niya ang kapirasong papel at ang singsing. Ipinatong niya iyon sa mesita sapagkat sa itsura ni Rogel, tila hindi naman nito iyon aabutin kung dito niya mismo iyon ibibigay. “I’m sorry, Rogel. Kung kailangan kong ulitin ang sinabi ko sa iyo dati, uulitin ko para matanggap mo na ayaw ko na.” “Nag-usap na kami ni Mama. Hindi na siya makikialam sa atin. Hahayaan niya tayo sa gusto natin.” Marahan siyang napailing. “Hindi na iyon ang punto ngayon, Rogel. Iyon lang ang nagtulak sa akin para madiskubre ko ang tunay kong nararamdaman sa iyo. I did love you, Rogel. Inaamin

