Hindi ko alam kung na mamalikmata lang ba ako o naduduling. Ilang gabi ko na kasing nakikita sila Zoriel sa club. Minsan si Brix. Pero madalas ay si Zoriel. Minsan pa nga ay nagkakasalubong ang mga tingin namin pero hindi naman nila ako pinapansin. Nginingitian ko na lang sila kahit na seryosong tingin lang ang binibigay nila. Hinahayaan ko na lang dahil baka andito rin si Ingrid. Nakapagtataka lang at hindi na ako kinukulit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon kung tatanggapin ko ba ang alok ni Mayor. Madali lang ang trabaho kung tutuusin. Kaso si Ingrid iyon eh. Napabuntonghininga ako. “Gelo? Nakikinig ka ba?” Muli akong bumalik sa katinuan ko noong marinig ko ang boses ni Sofia. Kausap ko siya ngayon dahil kapapadala ko pa lang ulit sa kanila. “Ah. Oo.” “May kai

