Chapter 12 : More than willing

2358 Words
"Let me drive her home, Seb. Please. . ." iyan ang salitang binitiwan ni Carmichael para pumayag si Seb. Nasa tabi ko ngayon si Seb, pa-ulit ulit na tinatanong ako kung anong nangyari at kung bakit ako napunta sa gano'ng sitwasyon. "Sabi sa akin ni Lou tinakasan mo raw sila ni Mom." Kaagad kong sinenyasan si Seb na manahimik. Ayaw kong malaman ng lalaking nagmamaneho na alam kong kanina pa nakikinig ang dahilan kung bakit ako napunta sa gano'ng sitwasyon. Tinikom naman kaagad ni Seb ang bibig niya. Ayaw kong malaman niyang kaya ako nalagay sa panganib dahil tumakas ako sa pinsan ko at mom niya sa kagustuhan kong dalhan kaagad siya ng lunch niya. Hindi dahil baka sisihin niya ang sarili niya kundi dahil ayaw kong malaman niya na nag-aalala ako sa kaniya dahil nalaman ko na hindi pa siya kumain simula no'ng gabing 'yon. At isa pa, masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Ang dami niyang mabibigat na bintang na sinabi sa akin. Nagmamagandang loob lang sana ako. Kung hindi sana ako na-hold up hindi mangyayari ang lahat ng 'to. Ngayon. . . nalaman din niyang pipi ako. Ano na? Na-turn off kaya siya? Hindi ko alam. Tang Ina. Natawa at naawa na lang ako bigla sa sarili. Kung bakit ba iniisip ko pa ang iisipin niya kung gayong masama ang pakiramdam ko. Ngayon ay ramdam ko na ang pagod sa katawan ko, ang gutom, ang pangangati. . . ang hapdi ng gasgas at sugat ko. Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan hanggang sa marating namin ang bahay ni Carmichael. Great. Mula sa loob ng sasakyan ay natanaw ko si Lou na puno ng pag-aalala ang mukha na nakatingin sa papasok na sasakyan ni Seb. Kaagad na nagliwanag ang mukha niya nang makita niya ako. "Oh, goodness gracious! Mayari Grace!" mabilis na sinalubong niya ako at niyakap, kumalas din kaagad siya, "pinag-alala mo akong babae ka! Ang tigas tigas naman kasi ng ulo mo!" tapos hahampasin na sana niya ang balikat ko pero napahinto siya. "I wanna go back in Spain, Lou. . " iyon na lang ang nasenyas ko sa babae. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "You're just kidding, right? Mayari, sa Saturday pa ang day 2 ng concert mo." nag-aalangang sabi sa akin ng pinsan ko. I just took a deep breath. "Oh my. . . Mayari! May mga sugat ka?! Bakit? Saan?" hindi na alam ni Lou kung anong sasabihin niya, nataranta siya nang makita niya ang sugat at gasgas sa kamay ko. I can't blame her though, she really took good care of me. As in. Kaya nga lagi siyang nasa tabi ko. Kaya ganiyan na lang ang reaksyon niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko, tinignan ang sugat roon na natapalan lang ng band-aid. Tapos gaya ng ginawa ni Carmichael kanina, tinignan pa niya ang ilang parte ng katawan ko kung may sugat pa akong natamo. Mabilis na inakay niya ako sa loob ng bahay ni Carmichael at pina-upo sa sofa. "Just a minor wounds, Lou, stop being dramatic." I signed. "What she said?" rinig kong patanong na bulong ni Carmichael na nasa likuran ko lang pala sa kapatid niyang si Seb. "Ewan." sagot ni Seb. He refused to give his brother a clue of what I'm saying right now. Buti nga. "Bakit namumula ka? Bakit kasi hindi ka nagdala ng coat o jacket man lang—no! Bakit kasi tinakasan mo pa kami ni Tita! Ayan tuloy!" parang maiiyak na pangangaral sa akin ni Lou. Nagagalit siya pero nag-aalala, gano'n. Nakatayo siya sa harapan ko na parang Nanay na handang pagalitan ang makulit na anak. "What's with her? Kailangan na ba siyang dalhin sa hospital?" tanong ni Carmichael. Umirap naman si Lou sa lalaki na siyang kinagulat ko. "Namumula siya! Sensitive ang balat niya!" masungit na sagot niya sa lalaki bago niya ako hinarap, "Kung sana hindi na lang pala kita pinilit na sundin ang pinapagawa sayo ni Tita kanina. . . hindi mangyayari 'to sayo." sabi ni Lou at lumabi pa siya. Maiiyak na siya. She's blaming herself. "It's not your fault, Lou. . " I signed. "It's my choice so it's my fault, not yours." pang-aalo ko. "Eh kasi!" she stomped her feet in ground like a child. "Wait, what? Anong pinagawa sayo ni Mom?" tanong ni Carmichael at ngayon, sa akin na siya nakaharap at nagtanong. Na para bang maiintindihan niya ang sagot ko kapag sinagot ko siya. "Inutusan siyang magdala ng lunch mo." si Lou ang sumagot para sa akin. Madiin ang pananalita niya na para bang gusto niyang ipatatak sa kukute ni Carmichael ang ginawa ko. Mabilis na hinawakan ko ang kamay ni Lou upang pigilan siya sa pagsasalita pero walang talab, "gamit sana 'yong car niyo pero itong babaeta na 'to, hindi na ‘nakapaghintay’ na dalhin sayo 'yong lunch mo, tinakasan kami at sumakay sa taxi." Napatingin sa akin ang lalaki. Hindi ko mabasa ang emosyong naglalaro sa mata niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero kahit na gano'n ay walang emosyon ko pa ring sinalubong ang tingin niyang 'yon. "Na-hold up na pala siya, wala kaming ka-malay malay. Akala ko pa naman safe siyang nakarating sa station niyo." may diin ang boses ni Lou, "Kanina lang namin nalaman na na-hold up pala siya, may concern citizen na nag-report sa nakita niya. Mabuti nga kilala niya si Mayari. Tinawagan kaagad ako ng police station, as her manager of course. Nagulat naman ako, ibang station pa ang nakahuli sa lalaki, GENERAL." puno ng sarkasmong sabi ni Lou, ang tingin niya ay nasa taong nasa likuran ko lang. "I didn't know. . . " iyon na lamang ang nasabi ng lalaki. "Paano? Hindi mo tinanong? Kanina pa siya sa station niyo ah? Anong oras na nga oh." "I was busy, okay?" "Ni kahit lapitan siya ng kaunti hindi mo magawa? O kahit tignan man lang? Kasi unang tingin mo pa lang naman sa kaniya mapapansin mo na kaagad na may nangyaring masama sa kaniya eh!" ngayon, galit na tono niya. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Lou upang pigilan siyang ibuhos lahat ng galit at inis niya sa nangyari sa akin kay Carmichael. "Lou, don't shout. Don't blame him." senyas ko sa babae. Sanay na sanay na ako sa ganiyan pustura niya. Galit galitan lang 'yan pero magiging kalmado rin mamaya. Huminga siya ng malalim. Nagmura. "Pasensiya na, Carmichael ah. . . " maya maya ay paghingi na niya ng tawad sa lalaki, "Aalis na lang ako, kailangan kong magpakalma nanggigil kasi ako sayong babaeta ka!" maya maya ay ako ang hinarap niya at akmang lalapitan niya ako at inangat niya ang kamay niya para kurutin ako, kasi gano'n ang ginagawa niya kapag nanggigigil siya sa inis sa akin. Pero nabitin ang kamay niya sa ere dahil mabilis na hinarang ni Carmichael na nasa likod ko ang braso niya. "Hey! Don't hurt her!" pananaway niya sa babae. "OA!" sabi ni Lou sabay irap, "hindi ko sasaktan 'yan 'no! Hindi gaya mo!" "Oh." sabi lang ni Carmichael at inalis ang braso niyang humarang sa akin. "May mga sugat siya, hoy doktor, ikaw na bahala maglinis no'n." baling nito kay Seb. "Aalis na ako, Mayari, dito ka na ah? Aasikasohin ko pa 'yong mga gamit mo na nasauli na." and then she hugged me again before heading out. "Kukunin ko lang gamit ko sa kotse." sabi ni Seb at patakbong lumabas. Naiwanan kami ni Carmichael sa loob. "I. . . I'm sorry." basag niya sa katahimikang namutawi sa paligid. Sorry na naman. "It's really my fault for not attending you earlier. I thought you were there to talk about the engagement party, I thought you were there to ask me why I didn't come. I assumed and didn't give you much attention. Kung sana. . . kung sana kinausap kita, tinanong, tinignan. . . Kaso hindi ko ginawa. Mas inuna ko 'yong hiya ko. Hindi kita maka-usap at matignan kanina kasi nahihiya ako sayo. . . That's why I acted too cold and strict." paliwanag niya. Pinagdikit ko ang bibig ko at bumuntong hininga. Nahihiya siya sa akin? Pumintig ang ulo ko sa narinig na paliwanag niya. And at the same time, kaagad ko siyang naintindihan. There I said it. I understand. I really understand his reason now. Kung kanina ay iritang irita ako at ang sama sama ng loob ko pero ngayon ay wala na lahat ng 'yon. Wala naman ako sa lugar para magtampo pa o ano. His reasons are all valid and understandable. . . at least for me. Dapat lang na mahiya siya sa akin. Dapat lang na maramdaman niya 'yon. . . "And I don't have any idea that you're mute. . . nasigawan pa kita dahil lang pinipilit kitang magsalita. It was so wrong and so stu-pid of me." Yes. Wrong and stu-pid. Tumango ako bilang pasang-ayon sa huli niyang sinabi. So. . . ano na? Anong nararamdaman niya ngayon na nalaman niyang pipi ako? Does he still want to marry me? He'll call off the wedding now? Hinarap ko siya at para siyang napako sa kinatatayuan niya. Para siyang nakaharap ngayon sa mas mataas na ranko. "Do you still want me to be your wife? Now you learned that I'm mute? That I have disability?" I signed. Umawang ang labi niya, kumunot ang noo at umiling. . "Hindi ako nakakaintindi ng sign language, Mayari. I'm sorry. . . " Alam ko. Kaya nga matapang kong senenyas 'yon dahil hindi niya maiintindihan. Pareho kaming napatingin sa paparating ng si Seb. Hawak hawak niya ang first aid kit niya at nagtatakang nakatingin sa aming dalawa. "Anyare sa inyo?" tanong niya bago niya ako nilapitan. Inilapag niya ang hawak niya sa lamesa at pina-upo ako. "Halika na, Mayari, lilinisan ko na mga sugat mo." sabi ni Seb. Umupo na ako na sa tabi niya. Marahan niyang inalis ang nakalagay na band-aid sa sugat ko pero kahit gano'n ay nakaramdam ako ng sakit. Napa-igik ako at muntik ko ng mabawi ang kamay ko sa kaniya. "Dahan dahanin mo naman." sabi ni Carmichael sa kapatid niya, puno ng pag-aalala ang boses niya. Nag-init ang tainga ko. Nag-aalala siya? "Dahan dahan na 'yon, OA." pasaring naman ni Seb. Hindi binalingan ng tingin ang kapatid niya. "Hays, ang bait naman ng nag-lagay sayo nitong band-aid. Alam kong hindi si Carmichael, so, sino?" pang-iintrega sa akin ni Seb. Binitiwan niya ang kamay ko at kinuha niya ang ointment at ilang gamot sa kit niya. "Lieutenant Sampson." senyas ko. "Ah, si Lieutenant Sampson, mabait talaga 'yon!" sabi ni Seb sabay tingin sa kapatid niya. Inismiran niya 'to samantalang nakatingin lang na parang bata sa sugat ko ang lalaki. "I didn't know that you understand sign language, Seb." maya maya ay sabi ni Carmichael. "Dedicated and super fan kasi ako ni Mayari." sagot lang nito. Muntikan na akong mapangiti dahil sa sinagot nito. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o ano. Dedicated and super fan? Parang ang exaggerated kasi. Pero natuwa ang puso ko. Fan na nag-aral ng sign language. . It's just so heart warming. "Can you teach me?" Nagulat ako sa sinabi ni Carmichael pero hindi ko 'yon pinahalata. Nanatili ang tingin ko sa kamay kong ginagamot ng marahan ni Seb. "Sign language? Ayaw ko nga. Bahala ka sa buhay mo." sagot naman ni Seb, nakanguso na parang bata. Nang matapos ng gamutin ni Seb ang sugat ko ay nagpaalam na siyang aalis na may trabaho pa siya. Talagang naabala lang siya nang nalaman niyang na-hold up ako. Nag-alala siya kaya umalis. Hinatid ko siya palabas ng bahay. Nakasunod naman sa akin na parang tuta si Carmichael. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Pumasok na ako sa kwarto ni Carmichael, hindi pinansin ang pagtawag niya. Parang ako rin bigla ang nahiyang harapin siya. Naligo lang ako at nagbihis. Nang matapos ay hihiga na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Alam kong si Carmichael 'yon kaya hindi ko dinaluhan. "Mayari. . . Please, open the door. Let's talk." bakas ang pakiusap sa tono niya. Parang may kumabit sa puso ko. Pareho kaming pagod. Siya sa trabaho at ako ay dahil sa nangyari. Wala ba siyang balak magpahinga? Kasi ako. . . ayaw ko siyang harapin ngayon. Natatakot ako malaman kung anong nasa utak niya. Kung ano man 'yong sasabihin niya. Bakit niya sinabi kaninang turuan siya ni Seb mag-sign language? Bakit wala siyang ibang reaksyon no'ng nalaman niyang pipi ako? Hindi ko nakita ang pagtataka, pag-iwas, panghuhusga, pangdiskrimina sa kaniya. Napuno lang lalo ng konsensiya ang mukha niya kanina. . . dahil nalaman niyang pipi ako at hindi niya ako natrato ng tama at nasigawan pa no'ng pinilit niya akong magsalita. Humingi pa siya ng patawad dahil nagkasala siya sa akin. Parang may humamplos na mainit na kamay sa puso ko. It didn't bother him? That he's future wife is mute? "Mayari, alam kong hindi ka pa tulog." rinig kong sabi niya mula sa likuran ng pintuan. Nakuryuso ako kung ano pa ang sasabihin niya kaya marahan na lumapit ako sa pinto at sumandal doon. "Pasensiya niya talaga sa nangyari ngayong araw. Pangako, hindi na mauulit 'yon. I will take care of you more. I promise that." He will take care of me. . . more? Gagawin niya 'yon? "And yes, Mayari, I still is and more than willing to have you as my wife. . . It's just a disability, Mayari, it's not disadvantage of you. Hindi no'n nabago ang tingin ko sayo bilang tao." marahan, malamyos, malambing na parang musika ang boses niya para sa akin dahil sa mga sinabi niyang kataga. Sa sobrang ganda pakinggan ay nawala sa isip kong magalit kay Seb dahil alam kong sinabi niya ang ibig sabihin ng senenyas ko kanina. Nakita niya pala 'yon. "Mayari, naririnig mo pa ba ako? Mayari, tulog ka na ba?" tanong niya nakalipas ang minuto niyang pagtayo at pagsasalita sa likod ng pinto. Narinig ko na lamang ang paglalakad niya palayo sa kwarto niya. At ako, nanatili akong nakasandal sa pinto, nakahawak sa puso ko na biglang nag-ingay at nagwala dahil sa narinig ko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD