Dahil sa matinding pagnais ko na malaman kung sino ito ay agad kong hinila ang maskara nito kung kaya’t nahulog ito sa sahig. At nang dadako na ang tingin ko sa kaniya ay saktong namatay ang ilaw kung kaya’t nababalot nang dilim ang paligid. Kumakapa-kapa naman ako’t hinahanap kung nasaan ito, ‘di ko malaman kung bakit tila kumabog nang malakas ang dibdib ko. “Nasa’n ka? Magpakita ka sa akin! Ngayon naduduwag ka, porket alam ko na kung sino ka! At nabuko na kita! Lahat ng ginawa mo sa akin pagbabayaran mo, ngayon ipapakulong kita! Sa mga traumang binigay at dinulot mo sa akin, hinding-hindi ko na iyan palalagpasin! Sisiguraduhin ko Basti na mabubulok ka sa kulungan!” singhal ko sa kaniya at kahit ‘di ko ito nakikita at ‘di niya nakikita ang mga mata ko ay matalim ang mga tingin na pinupu

