Agad na hinakbang ni Luna ang kaniyang mga paa at nanginginig siya sapagkat ngayon niya lang naranasan na nakahubad siyang maglalakad at malaya ang ibang tao na pagmasdan ang katawan niya. Bukod sa malamig na hangin ang bumabalot sa kaniya ay matinding kaba rin ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya inaalis ang tingin kay Dallas na abala pa rin sa pagbabasa ng magazine habang siya maingat na naglalakad. Nakatakip ang kaniyang mga kamay sa p********e niya. Hindi na rin niya magawang takpan ang kaniyang magkabilaang dibdib sapagkat hindi masyado itong malaki at wala na rin naman siyang itatago rito. Kumislot naman ang puso niya nang bigla itong magsalita. Awtomatiko siyang napahawak sa kaniyang dibdib. At napamura siya sa kaniyang isip. “Bakit kasi kailangan mo pang magdamit? Nagsasayan

