Hindi ko masubo ang pagkain sa bunganga ko sapagkat sa matalim na titig nito sa akin. “Paano ako makakakain niyan kung halos ‘di pa ako lumalamon dito, ‘yong tingin mo pa lang, lamunin mo na ako ng buhay,” pagtataray ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagguhit ng malademonyong ngiti sa kaniyang labi na pawang nang-aasar pa ito. “Una pa lang talo ka na, titigan ka lang, ‘di ka na makakilos. At ‘di ka na makagalaw. Paanong maipagtanggol mo ang sarili mo? Kung sa titigan ka pa lang, gusto mo ng umiyak na parang bata?” Awtomatikong napadiin ang hawak ko sa kutsara nang marinig ko ang mapang-insultong sinambit nito at pawang nakaramdam ako nang matinding galit at panggigigil. “Puwede ba? Hindi ako natatakot sa titig mo! Ibang-iba ang natatakot sa naaalibadbaran! At naiinis sa paraan ng ting

