Nang unti-unti kong imulat ang mata ko ay nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo kung kaya’t agad akong napahawak sa ulo ko at ipinilit na inikot ang tingin ko sa buong paligid. At awtomatikong napakunot-noo ako nang hindi pamilyar sa akin ang buong paligid. At kusa akong napadaing sa sakit nang subukan kong bumangon. At doon ko biglang naalala ang lahat ng nangyari. Kung saan nalaman ko na ang katotohanan. Katotohanan na matagal ko ng hinahanap ng kasagutan. Nakilala ko na ang totoong katauhan ng lalaking patuloy na sumisira sa buhay ko. Nang bumalik sa aking isipan ang tagpong iyon ay agad na kumabog nang malakas ang dibdib ko. Magkakampi nga talaga sila. Alam ko na ang lahat ng nangyayaring ito ay naaayon sa kanilang plano. Hindi ako nagkakamaling parte ito ng sikreto nila. Kaya

